NAGING emosyonal si Derek Ramsay dahil sa pinagdaraanan niyang legal battle sa asawa’t anak.
“It’s difficult, it’s really difficult, but I have to be strong. In time, I know maayos din,” bungad ng aktor nang makatsikahan namin pagkatapos ng Q and A.
Natanong si Derek kung nakapag-bonding na sila ng anak niyang si Austin nang magkita sila sa Fiscal’s office.
“Yes, not enough, even though it’s in the contract na I have my visitation rights, she (asawa) didn’t allow me to exercise my visitation rights, I only saw him 4 times in three years,” diretsong sabi ng aktor.
Muling tinanong ang race master ng TAR kung ano na ang final na napag-usapan nila ng asawa tungkol sa anak nila.
“The thing is pabago-bago ang ano nila (gusto), hindi ko na maintindihan, lagi na lang nababago, so the first affidavit, emotional and financial, their reply affidavit, I’m a rapist. Now, it’s physical, so hindi ko maintindihan, lagi na lang nagbabago, laging nagbabago lawyers, wala na akong pakialam sa lawyers nila, wala na akong pakialam sa affidavit nila, basta ako, I promised my son that I’m gonna spend time together,” kuwento ng aktor.
Sa Setyembre 25 pa raw malalaman ni Derek ang resulta ng closed-door meeting nila ng asawa.
At kaya raw pumunta si Derek noong araw na nag-submit ng affidavit ang nanay ng anak niya ay, “kaya ako nagpunta roon kasi nalaman kong nandoon ang anak ko, hindi naman ako required to be there on that day, I found out that my son is there, so I wanna see him, I haven’t seen him in months.”
At ang reaksiyon naman ni Derek sa sulat na isinulat daw ng anak niyang si Austin na galit na galit at gusto siyang makulong.
“I don’t believe! I don’t believe that he wrote that, but I ask my son kung siya ang nagsulat niyon and you meant it, and when he said ‘yes’ I kept my mouth shut for the rest of the meeting. So sabi ko ano pa ang magagawa natin para maayos na ‘to. Wala akong pakialam linisin pangalan ko, wala akong pakialam sa career ko, I just want to spend time with my boy,” kuwento ng aktor.
Natanong din kung ano ang naging reaksiyon ni Derek nang muli niyang makita ang anak niya?
“That was the 5th time I see my boy, my son in three years. So the 5th time in three years, hindi ko alam ang sasabihin ko, kung ano ang experience that he had to see,” say ng aktor.
Noong huling nagkita raw sila ng anak niya ay okay pa, “he calls me dad and he said the last time we saw each other was the best time of his life. I asked him about it during the meeting, he said, ‘no, I didn’t call you dad, I hate you’.
Sa tingin ba ni Derek ay na-brainwash ang anak niya dahil biglang nabago ang pagtingin sa kanya?
“I don’t want to say anything about that. I’m not into anything negative about the mom,”mabilis na sabi ng aktor.
Base pa sa kuwento ni Derek, binibigyan lang siya ng isang beses na makausap ang anak. At hindi nga raw nasunod ang visitation rights niya at ngayong nag-usap silang muli ay wala siyang assurance kung matutupad ang nasa kontrata, “naiiba lang ang mga numero, pero ano ang guarantee ko na mae-exercise ko to see my boy.”
At tungkol naman sa P45-M na hinihingi ng asawa bilang lump sum na sustento para sa anak.
“P45-M, P48-M, I don’t care about what she’s asking for,” sagot ng aktor.
Sumunod daw lahat si Derek sa utos ng fiscal na hindi siya magpapa-interview sa media, na kabaligtaran naman ng ginawa ng nanay ng anak niya dahil, “sila ‘yung nagpa-presscon, sila nag-release ng affidavit online, my son’s letter online, she handed out the letter to everybody at the presscon. It’s hard to believe that my son read overnight online and wrote a letter.”
Ano sa tingin ni Derek ang katapusan ng legal battle nila ng ina ng anak niya, “definitely I want to spend time with my son, I’ll do whatever it takes.”
Naguguluhan nga raw si Derek sa gusto ng ina ng anak niya dahil lima na ang abogado. Pera ba ang habol sa aktor o gustong makipag-balikan?
“In my affidavit has all the deposit slips, all the emails, all text messages that came from them. I want to be peaceful with her, I really do for the sake of my son,” pagtatapat ng TV host/actor.
Taong 2011 ay gumawa raw ng draft contract ang abogado ng ina ng anak ni Derek at ang tanging demand lang daw niya ay sagot niya ang pag-aaral at gusto niyang makasama ang anak niya.
Natanong din ang tungkol sa ex-girlfriends ng hunk actor na nasasali sa isyu.
“Why did they do that, for what reason? I’ve given up so many times to her demands, I think it’s about time that l fight,” sabi pa.
At kung sakaling mabigyan ng tsansa na makasama na nga ni Derek si Austin ay ano ang mga gagawin niya.
“I want him to look at me the way I look at my father, that kind of relationship I want,”mabilis na sabi niya.
Binanggit din ng aktor na kaya hiniling niyang sagot ang pag-aaral ng anak niya ay para maibigay nito ang best education na ibinigay din ng magulang niya sa kanya at ang planong trust fund.
“Bakit kailangan sila ang may hawak ng pera, kung talaga ang bata ang interest nila?” pangangatwiran ng aktor.
At base sa kuwento ng aktor ay hindi siya nakapag-sustento noong bata pa si Austin dahil taong 2011 lang daw niya nalamang anak niya ang bagets.
“I was very cooperative when I found out that he is my son, I immediately ask what is best for my son, we have a contract, they’re the ones who draft the contract, they’re the ones who authorized the contract and everything is going smooth then, but here we are,” pahayag ng aktor.
At ang tanging pakiusap daw ni Derek sa anak niya ng bigyan sila ng dalawang minutong mag-usap, “I just told my boy that I promise you that we will spend more time with each other, you understand everything what’s going on, when you grow up, please don’t close you door on me, that’s all I’m asking you.”
ni Reggee Bonoan