ni Alex Brosas
KOMPARA kay Marian Rivera ay hindi hamak na mas sosyal talaga si Heart Evangelista.
Sa latest post niya sa Instagram ay ipinakita ni Heart ang regalo sa kanya ng Cartier with this caption: “Cartier paris..thank you for my gift!:) esp anne bohomme of des champs elysees =ØÞ=ØÞ.”
Hindi ba’t bongga ang Heart at kilala siya ng Cartier?
“Bongga ! ‘Yung iba ryan super trying hard magpakasosyal kahit pa tadtarin buong katawan ng signature thing ‘di pa rin magmukhang@sosyal.
“Magmukhang talaga ng TH. Walk sola Nyah pati na ‘yung letter din from Hermes. ‘Yung iba ryan order Lang sa Dubai kasi mas Mura roon walang tax pwede pang tumawad. Sa mga tards na ever tanghod dito sa IG ni @iamhearte alam nyo na. =ØÞ=ØÞ=Ø”Þ=Ø“Þ=ØÞ,”mataray na comment ng isang follower ni Heart na obviously ay pinatutungkulan si Marian at ang supporters niyang palaaway.
Nagpatutsada naman ang isang follower ni Heart sa bashers ng aktres and said, “oh ano na ngayon mga basher??? Hahaha! Inggit na inggit na nman kayo ano??? we love you @iamhearte.”
Sa isa pang photo that she posted, ipinakita ni Heart ang vintage Versace stuff collection ng kanyang ina.
“Found my moms vintage versace stuff!:) #handmedowns #gladwereokmom hihi @iamkatrinacruz,” caption ng photo ng isang blue Versace bag na ipinamana pa ng ina ni Heart sa kanya.
Oh, mayroon bang ganyan si Marian? Mukhang wala naman, ‘di ba? Sino ngayon ang mas sosyal sa kanila?