KUNG true na boyfriend nga ni Eugene Domingo ‘yung nakitang bagets na kasama niya sa Batangas nang minsang magtungo siya sa lugar a month ago, aba’y gaya-gaya itong si Uge sa kapwa komedyana na si AiAi delas Alas na karelasyon ngayon ang badminton player from De La Salle University na si Gerald Siba-yan.
Well, wala namang masama kung bata rin ang pinili ni Eugene dahil ayon nga sa kasabihan, “age doesn’t matter.” Pero siyempre ang kagulat-gulat lang ay wala sa image niya ang pumapatol siya sa lalaki na mas bata sa kanya. Di tulad kay AiAi na sanay na ang publiko na mga young men ang pina-tulan. Kay Uge pa rin mukhang inlababu raw ang komedyana sa guy na hunk ang dating dahil nang ma-sight siya habang may binibili sa isang lugar sa bayan ng Batangas ay magka-holding hands sila. Yes sweet raw ang dalawa at inalalayan pa nga raw ni bagets ang comedienne/host, habang papasok sila sa kanyang magarang sasakyan. Sa edad ngayon ni Eugene ay panahon na para magka-boyfriend siya. Bagets man o hindi kung saan siya happy go na at wala na tayong paki sa trip niya gyud!
GABRIEL (COCO) AT SEN. FRANCO (BOYET) NAGHARAP NA SA BOOK 2 NG IKAW LAMANG
Sa latest episode ng Kapamilya primetime series na “Ikaw Lamang,” inimbita ni Natalia (KC Concepcion) sa kanyang 19th birthday ang nobyong si Gabriel Hidalgo (Coco Martin). Ipinaalam ito nang personal ni Natalia sa kanyang daddy si Senator Franco Hidalgo (Christoper de Leon) upang makilala na rin ang ama ang karelasyon.
Sa Party, kitang-kita sa mukha ni Franco ang sobrang pagkabigla nang tumambad na sa harapan niya si Gabriel at ipakilala ito ni Natalia sa kanya. Sa pagkamangha ay nasambit nito ang pangalan ni Samuel, na hanggang sa sandaling iyon ay labis-labis pa ring kinamumuhian dahil hindi matanggap na siya ang pinili ng kaisa-isang babaeng minamahal hanggang ngayon na si Isabelle (Kim Chiu).
Sa pangalawang aklat ng “Ikaw Lamang” ay ginagampanan ni Amy Austria si Isabelle at Joel Torre naman bilang Samuel. Alam ni Gabriel ang mga susunod pang mangyayari at ang maitim na balak sa kanya ni Franco. Kaya’t agad niyang hiningi ang tulong ng kinikilalang ama na si Calixto (Noni Buencamino) at kaibigan at kasamahan sa trabaho na si Mark (Jojit Lorenzo) at hindi lang sila ang nakasuporta kay Gabriel. Maging si Samuel (Joel) na yumaman dahil sa mga ginto na nakuha nila sa kabaong ni Maximo. Matagal nang panahon na gustong makaganti sa mga kasamaan ni Franco, katulong na rin ni Gabriel sa pagpapabagsak sa gahamang senador. Pero walang kamalay-malay si Gabriel na ang ipinakilala sa kanyang bossing ng ama-amahang si Calixto ay siya pa lang tunay niyang ama. Ayaw pang biglain ni Samuel ang anak at ang importante nga-yon sa kanya ay lagi siyang nasa likod nito para sa pareho nilang laban kay Franco.
Samantala makombinsi naman kaya ni Sen. Franco si Jacq (Kim) at ang mga tumatayong magulang nito na sina Esther (Arlene Muhlach) at Roger Sanggalang (Smokey Manaloto) na sumama na sa kanya at ipakilala kay Natalia ang kapatid. Nalaman na kasi niya mula sa pina-DNA test na hibla ng buhok ni Jacq na siya si Andrea na anak niya kay Isabelle na sanggol pa lang ay hindi niya tanggap dahil bastarda ang tingin at inakalang anak ni Isa-belle kay Samuel pero ang totoo ay siya talaga ang ama ng nasabing dalaga.
Abangan ang mas kapana-panabik pang mga tagpo sa “Ikaw Lamang” mula sa Dreamscape Entertainment sa Primetime Bida ng Kapamilya network pagkatapos ng Hawak Kamay.
ZAMBOANGEÑA WAGING WEEKLY WINNER SA FHHM SA EAT BULAGA
Kahit rumaragasa sa Metro Manila at buong bansa ang super typhoon na Mario nitong Biyernes ay tuloy pa rin ang paghahatid ng isang libo’t isang tuwa ng Eat Bulaga sa lahat ng Dabarkads mula Batanes hanggang Jolo. Kahit ‘yung weekly finals ng FHHM o “For Healthy & Heavy Models” only baha man sa iba’t ibang lugar ay itinuloy pa rin ng programa. ‘Yung isa sa weekly finalist nga na si Danna Carranza, kahit sobrang baha sa lugar nila sa Tondo ay walang paki na sumakay ng bangka makarating lang sa Broadway Studio. Ganyan ka-propesyonal ang mga contestant sa FHHM kaya mapupuri sila.
By the way sa limang naglaban sa weekly finals ay ang biyuting chubby na si contestant #4 na si Sheena Fatima Lawama ng Lunzuran, Zamboanga City ang nagwagi bilang weekly winner. Ang husay sa pagkanta ang ipinamalas niyang talent. Ang ganda ng pagkaka-awit nito ng sariling bersiyon ng isa sa big hit ni late Whitney Houston na “Saving All My Love For You.” Nakakuha ng total score na 97.33% si Fatima kaya tinalo niya ang apat na co-weekly finalists na sina Danna, Jean Alyssa Marie, Ma. Rochel Lobaton na kapwa taga Zamboanga at ang nagmula pa sa Guinobatan Albay na si Cara Annelyd Chunaco. Tumatinting na 50K ang naiuwing premyo ng winner. Si Dabarkads Pauleen Luna, Pepsi Herrera at Monsour del Rosario ang nagsilbing judges nang hapon na iyon.
Abangan ang nalalapit na Grand Finals ng FHHM na ang tatangha-ling kauna-unahang FHHM titlist ay mananalo ng P150,000 cash, plus brand new Cherry Car at Jewelry set worth 200K.
Super fabulous naman talaga gyud!