Friday , December 27 2024

Dayuhan at local casino financiers dapat din busisiin ng Kamara

00 Bulabugin jerry yap jsyTINATALAKAY ngayon sa Kamara de Representantes ang dalawang panukalang batas kaugnay ng Anti-Money Laundering Act.

Isa rito ang House Bill 3334 ni Rep. Terry Ridon ng Kabataan Party-list na naglalayong amyendahan ang Republic Act 9160 (Anti-Money Laundering Act of 2001).

Ang isa sa mga mungkahi ni Rep. Ridon ay ilabas ng mga Casino ang listahan ng kanilang mga high roller o VIP players.

Ito umano ay para maiwasan na magamit ang mga Casino sa bansa sa money-laundering ng ilang notorious personalities.

Matagal na rin nating pinupuna at pinangangambahan ang bagay na ito dahil nga sa nakikita nating tila napakabilis ‘maglaba’ ng kwarta ng ilang notorious foreign personalities sa mga Casino (Resorts World at Solaire) sa bansa.

Pero mas makabubuti siguro Hon. Kabataan Party-list Rep. Terry Ridon kung ang ipakukuha ninyong listahan ay ‘yung mga casino financier gaya ng mga Korean at Chinese nationals gayon din ang ilang Pinoy na naka-enrol sa kanilang rolling-rebate scheme.

Iyang mga casino financiers na ‘yan ang kumikita ng daan-daan milyong piso pero hindi nagbabayad ng buwis sa Bureau of Internal Revenues (BIR).

Sila ang mga tunay na pinagdadaluyan ng money laundering.

‘Yung mga player, kahit na high roller pa ‘yan, manalo, matalo lang sila. Mas madalas nga talo pa. Pero ‘yung mga casino financier, mas malaki ang mga pera nilang umiikot sa Casino at sila mismo ang nagpapaikot ng puhunan na hindi natin alam kung saan galing.

Maraming intelligence report, na ‘yang mga money launderer cum casino financier ay sangkot din sa iba’t ibang uri ng illegal na sindikato.

Kung ‘yang mga tunay na money launderer ang tatamaan ng panukalang batas ni Rep. Ridon para amyendahan ang Anti-Money Laundering Act, aba malaking tulong ‘yan sa ating ekonomiya dahil lalakas ang ‘purchasing power’ ng ating piso.

Bumabagsak ang halaga ng piso natin, dahil nailalabas sa bansa sa pamamagitan ng mga notorious activities ang ating dollar reserve.

Kung kaya pang maihabol sa iyong panukalang batas ‘e ‘yan ang idagdag ninyo, Rep. Ridon.

Naniniwala ako na kahit paano ay makatutulong ‘yan para pangalagaan ang ating ekonomiya.

KUMAKATOK SA PUSO NI MIAA GM BODET HONRADO

ISANG airport police officer (APO) ang lumapit sa inyong lingkod at nakikiusap na maiparating natin kay Manila International Airport Authority (MIAA) general manager, Jose Angel “Bodet” Honrado ang kalagayan niya ngayon.

Kasalukuyan siyang nakaratay sa Makati Medical Center matapos matapilok at maoperahan sa paa.

Nang araw na maaksidente ang kanyang kapatid na si APO Nilda Collantes ay naka-duty sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.

Mayroon siyang dadalhin (for inquest) na kaso sa Pasay City pero pagdating sa Departure ng Terminal 3, siya ay nadulas at masama ang pagkakatapilok.

Dahil sa dami ng procedure na ginawa, kinapos ang MIAA Health Card  ng pasyente na mayroon lamang P50,000 coverage (Value Care Card).

Medyo nagulat nga ‘yung APO dahil sa dati nilang health card na Medicard, ang kanilang coverage ay umaabot hanggang P120,000.

Dahil nga po sa maliit na medical coverage, humihingi ng tulong ang kapatid ni Ms. Collantes sa MIAA management lalo na kay GM Honrado na matulungan siya sa kanyang babayaran sa ospital na umabot na sa P200,000.

Si Ms. Collantes po ay nakatakdang tumanggap ng Special Award bunga ng kanyang 30-taon serbisyo sa MIAA bilang isang Airport police.

Kaya malaking kasiyahan na po sa kanya kung matutulungan ng MIAA lalo na ng tanggapan ni GM Honrado  para naman makadalo siya sa kanilang Awarding sa September 26.

Alam nating naoperahan kamakailan sa puso si GM Honrado, pero naniniwala tayo na naroroon pa rin ang kanyang soft spot para sa mga empleyado at Airport police sa ilalim ng MIAA lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Ngayon pa lang daw po, GM Bodet Honrado ay nagpapasalamat na ang pamilya ni Ms. Collantes …

Mabuhay ka GM Bodet!

KAKASA KAYA ANG DAANG MATUWID NI PNOY KONTRA PNP CHIEF DG ALAN PURISIMA?

DITO natin masusubukan kung gaano kaseryoso ang ‘daang matuwid’ ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III laban sa mga sanggang-dikit niyang umaabuso sa kapangyarihan.

Gaya nga ng mainit na pinag-uusapan ngayon na ‘misdeclared’ statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ni Philippine National Police chief, Director General Alan LM Purisima.

Paiimbestigahan kaya ni PNoy ang isa sa kanyang trusted men na si DG Purisima?

Matulad kaya ang kanyang kapalaran gaya kay dating Chief Justice Renato Corona?!

‘E ngayon pa lang, rumerepeke na ang mga defense spokespersons na ‘tatlong kolokoy at isang sindak’ sa pagtatanggol kay Purisima.

Kahapon sa presscon ni PNP spooksperson ‘este’ spokesperson Gen. Sindac, sinabi niya na, “Nagsasalita at nagkakaso raw sila ngayon kay Purisima dahil wala siya sa bansa. Paano raw maipagtatanggol ni PNP chief ang mga akusasyon sa kanya?”

What the fact Gen. Sindac!?

‘E kapag nariyan naman si PNP Chief panay ang tago sa media. Ayaw ma-interview kesyo busy o kaya nasa Malacañang o kaya nasa conference … at kung ano-ano pang alibi.

Ganyan din kaya ang rason ng opisina ni PNP chief kapag ‘bagman’ gaya ni alias Jhun Bernadino ang naghahanap sa kanya?!

Aabangan natin kung tatamaan din ba ng ‘daang matuwid’ ni PNoy ang kanyang best buddy.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *