ni Alex Brosas
NAPABILIB kami ni Daniel Padilla nang aminin niyang siya nga ang nasa controversial audio-video recording na kumalat sa social media recently.
Ayon kay Daniel, isang kaibigan niya ang kumuha ng audio-video.
“Wala, eh. Ganon talaga eh. We’re not really that close pero still a friend. Hndi ko naman alam…Ewan ko. Nangyayari talaga. Okay na ‘yon,” say ng Teen King sa isang recent interview.
Nakuha pang magpasalamat ni Daniel dahil mayroon siyang natutuhan sa kontrobesiyang iyon.
“Nagpapasalamat na lang ako sa Diyos dahil binigyan niya ako ng ganitong problema. Nagpapasalamat ako dahil natututo ka sa mga pagkakamali.”
Todo-pasalamat din ang binata sa KathNiel fans na walang sawang sumusuporta at nagtatanggol sa kanya.
“Sobrang thankful (ako) na ang dami kong nakita na totoong tao sa akin, lahat ng mga sumuporta sa akin talagang thankful (ako).”
Ang hiling lang ni Daniel ay ‘wag nang idamay pa ang ibang tao sa issue. Nadamay kasi ang couple na sina Sam Concepcion at Jasmine Curtis Smith sa kontrobersiya.
“May request lang pala ako,’yung ibang tao, ‘yung ibang nasangkot, ‘wag na nating idamay dahil ako mismo ang nahihiya.”