Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Benta ng tiket sa Himig Handog, lumakas lalo na nang magbenta si Daniel

092414 daniel padilla himig handog pop

00 fact sheet reggeeNASA Smart Araneta Coliseum noong Lunes ng hapon si Daniel Padilla para magbenta ng tickets ng Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 na mapapanood na sa Linggo, Setyembre 28.

Si Daniel ang napiling interpreter sa awiting Simpleng Tulad Mo na sinulat ni MJMagno na ayon sa batang aktor ay gagawin ang lahat ng makakaya para sa nasabing pakontes dahil halos lahat ng katunggali niya ay certified singers tulad nina Jed Madela, Jessa Zaragoza, Jovit Baldivino, Juris, Morissette Amon, Jugs and Teddy, Bugoy Drillon, Ebe Dancel at Abra, KZ Tandingan, Marion Aunor, at Angeline Quinto.  Kasama rin ang mga baguhang sina Michael Pangilinan, Janella Salvador, at Hazal Faith de la Cruz.

Base sa tsika sa amin ng taga-ticketnet ng Araneta ay marami naman daw bumili ng tickets nang makita nila si Daniel.

Samantala, inilabas namin dito sa Hataw kahapon na ipinagtanggol si Daniel ng mama niyang si Karla Estrada tungkol sa audio/video scandal na may binabanggit na babae ang batang aktor na naging dahilan kaya raw sila nagkaroon ng gusot ng reel/real girlfriend niyang si Kathryn Bernardo.

At ng si Daniel naman ang natanong ay inamin niyang naapektuhan siya ng kaunti sa nangyaring ito dahil pakiramdam niya ay naisahan siya ng kalaban.

“Ngayon medyo nabigyan (naisahan) nila ako, magaling sila (nanira) sa round na ito, pero babawi tayo sa second round. Ganoon talaga, lahat may pinagdaraanan.

“Isipin na lang natin na may mga taong may mas malalalim na problema. Nagpapasalamat ako sa Diyos at binigyan niya ako ng ganitong problema at least, eh, talagang tumatag ako lalo.

“Pagdarasal, lalong lumakas ‘yung faith ko sa Diyos, nagpapasalamat ako dahil natututo ka sa pagkakamali,” pahayag ng batang aktor tungkol sa ginawa sa kanya ng isang kaibigan.

Maging ang kapatid daw ni Daniel na si JC ay napikon dahil pati nanay nila ay binastos, “sabi ko nga, hayaan mo na Jayz, hindi naman tayo ang mapupunta sa impiyerno.”

Ang labis na ipinagpapasalamat daw ngayon ng batang aktor ay nakilala niya ang tunay niyang kaibigan, “sobra, ang dami kong nakilalang totoong tao sa akin, lahat ng mga sumuporta sa akin, talagang thankful.

“At ‘yung ibang mga taong nasangkot, tigilan po natin, huwag nating idamay at ako na mismo ang nahihiya.”

Hindi naman itinanggi ni Daniel na naapektuhan din si Kathryn sa nangyari at napansin ito sa mahigpit nilang yakapan sa ginanap na  Naked Truth ng Bench kamakailan.

“Oo naman, alam naman nating talagang nalungkot si Kathryn dahil misunderstanding, eh.  In-explain ko na lahat, naintindihan niya naman at ‘yung yakap na ‘yun, eh, pagpapasalamat na pinatawad niya ako at talagang kami ay back to normal kaya masayang-masaya ako. Wala, eh, doon lang ako nagkamali, lalaki, ako, eh.

“Wag na po tayong mangdamay ng ibang tao, ‘yung mga nang- a-ano sa social network, tigilan po natin, hindi po ‘yan maganda.  Kung may sisihin dito, ako lang po siguro,” paliwanag pa ng batang aktor.

At tungkol naman sa kaibigang gumawa ng hindi maganda kay Daniel, “wala, eh. Ganoon talaga, kahit kanino nangyayari, Diyos nga, inano pa (ipinagkanuno), ako pa?

“We are not really that close pero still a friend, hindi ko naman alam, eh, okay na rin,”katwiran ng binatilyo.

Labis ding nagpapasalamat si DJ sa lahat ng supporter nila ni Kathryn dahil hindi naintindihan siya at talagang ipinaglalaban siya.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …