Saturday , November 23 2024

Abante umalma sa trato ng Senado vs Binay (Sa tahasang paglabag sa karapatan ng VP)

092414_FRONT

DAHIL sa patuloy na “pagkakait sa kanya ng isa sa pinakabatayang karapatang pantao” nagbabala ang dating mambabatas mula sa ika-6 na distrito ng Maynila na si Benny M. Abante sa mga Senador na nagsisiyasat sa umano ay overpricing ng Makati City parking building at nagpaalala na “lahat ay inosente sa mata ng batas hanggang hindi napapatunayan ang pagkakasala.”

Nitong Lunes, hindi maikubli ang pagkadesmaya ng kasalukyang Chairman ng  Bayan Mamamayan Abante Movement sa “panggigipit kay Vice President Jejomar Binay na idinaraan sa ‘court of public opinion’ imbes sa tamang paraan ng paglilitis alinsunod sa batas.”

“Ang ‘presumption of innocence’ ang pinakapayak o batayang karapatan na nakadambana sa batas. At bawat isang Filipino ay pinagkalooban nito, mula sa karaniwang mamamawayan hanggang sa ikalawang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan,” ayon kay Abante na minsang nagsilbi bilang Chairperson ng House Committee on Civil, Political, and Human Rights.

Hindi rin nakaligtas kay Abante ang aniya ay “walang-pakundangang pagpapahalaga sa mga paratang na walang katibayan na inudyukan ng paghihiganti at ipinukol ng mga kaduda-duda ang pagkatao.”

“Kapag ang isang paratang ay pinapahalagahan at tinatanggap bilang katotohanan sa kabila ng kawalan ng katibayan at kahit hindi napapatunayan, umaalingasaw ang sangsang ng kalapastanganan,” ayon sa dating mambabatas.

Dagdag ni Abante, ito ang dahilan kung bakit hindi ikinagulat ang malamyang reaksyon ng Kongreso sa inilutang na “impeachment” laban kay Vice President Binay. Noong ipinanukala ni Albay Governor Joey Salceda ang nasabing hakbang sa publiko, sinalungat ito ng mga kasapi ng Mababang Kapulungan mula sa iba’t ibang partido.

Kahit si Caloocan Rep. Edgar Erice na isa sa mga pinakamaingay na kritiko ng Pangalawang Pangulo ay nagdalawang-isip kung ii-endorso ang ano mang “impeachment complaint” laban kay Binay. Matatandaang si Erice ang nanawagan noon sa pagbibitiw ni Binay mula sa gabinete dahil sa aniya ay pagpuna sa administrasyong Aquino.

Ayon sa LP-member, hindi sapat ang mga ebidensyang mag-uudyok sa pagpapatalsik kay Vice President Binay.

Sinabi rin ni Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez na ang paglipat ng paglilitis sa mga alegasyon ng katiwalian laban kay Binay mula sa Senado papuntang Kamara sa paraan ng impeachment ay hindi tutugon sa usapin dito.

“I think the issue (is) a matter for the Ombudsman. That is the proper forum (for) this issue (Ang usaping ito ay saklaw ng Ombudsman. Ito ang hukumang akma para sa isyung ito.),” paliwanag ni Benitez.

Ayon kay Abante, “kahit ang mga kritiko ni VP Binay sa Kamara ay naniniwalang mahina ang ebidensya. Ganyan karupok ang mga paratang laban sa kanya.”

Muli rin iginiit ni Abante ang kanyang mga naunang panawagan na itigil na ng Senado ang isinasagawang imbestigasyon sa Makati parking building. Imbes pagtuunan umano ang pagsasabatas ng mahahalagang panukala, parang ipinapamukha umano sa publiko na mas mahalaga para sa Senado ang “persecution in aid of legislation.”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *