Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 patay sa nakawan sa Kyusi (Akyat-bahay sumalakay)

DALAWA ang patay at dalawa ang sugatan sa insidente ng akyat-bahay sa Don Manuel St., Sto. Domingo, Quezon City dakong 6 a.m. kahapon.

Ayon sa senior citizen na may-ari ng bahay at ng katabing Chinese temple, nagwawalis ng bakuran ang kanyang mister nang pwersahang pasukin ng tatlong suspek saka itinali at binusalan silang mag-asawa at kanilang anak.

Makaraan limasin ang ilang gadget at pera ng mag-anak, naghugas pa aniya ng paa sa banyo ang isa sa mga suspek na pawang armado ng baril.

Sa puntong iyon nakakuha ng pagkakataon ang pamilya para makatawag ng mga barangay tanod na agad nagresponde.

Napatay sa ikalawang palapag ng bahay ang isa sa mga tanod na si Salvador Nagtalon habang sugatan ang dalawa niyang kasama.

Nagkahabolan ang nagrespondeng mga pulis at mga suspek, at napatay ang isa sa mga akyat-bahay nang makorner sa banyo ng isang pinagtaguang bahay sa bahagi ng Maria Clara Street na pag-aari pala ng isang pulis.

Arestado ang isa pang suspek sa La Loma habang nakatakas ang isa pa.

Patuloy ang imbestigasyon lalo’t hinala ng mga biktima may kasabwat na isa sa kanilang tauhan ang mga suspek.

(JETHRO SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …