Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mike, ginamit para sa isang escort service website

092314 mike tan

ni Roldan Castro

“HUWAG naman nilang isipin ang para sa sarili

nila, kawawa naman kaming mga artista na kinakaladkad  nila,” pahayag  ni Mike Tan dahil nagagamit siya sa isang website na umano’y  P25k ang TF sa escort service sa bawat tatlong oras.

Nagpaliwanag na raw siya sa GMA Artist tungkol sa isyung ito na hindi totoo at nakikiusap siya na sana ay tigilan na ang ganyan dahil nakasisira sa pagkatao nila.

Kabilang din sa walang kamalay-malay na nagagamit ang picture nila at pangalan sa nasabing website ay sina Carl Guevarra, Dion Ignacio at ilang mga sexy actor.

Anyway, nagkabalikan sina Mike at LJ Reyes sa paggawa ng pelikulang Bigkis under  BG  Productions International ni Baby Go. Pitong taon din bago sila nagkasama ulit.

Ex ni Mike si LJ pero  hindi naman bumalik ang dati nilang relasyon.

“Wala namang nabuong pagbibigkis sa aming dalawa. Ha!ha!ha! Masaya ako na nakatrabaho ulit si LJ . Sa tagal na hindi namin pagtatrabaho sa isa’t isa, nakaka-surprise na  ‘yung lalim ng isa’t isa lalo na si LJ, nakagugulat na makaeksena. Hindi na tulad ng dati na parehas kaming pa-tweetums lang,” aniya.

Ang Bigkis ay mula sa panulat at direksiyon ni Neal Tan na pinagbibidahan nina LJ, Mike, Ms. Rosanna Roces,Enzo Pineda, Rich Asuncion, Pancho Magno, Perla Bautista, at Lauren Young. Isang “advocacy film” tungkol sa buhay at sakripisyo ng mga nanay sa paanakang hospital.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …