ni Roldan Castro
KUMUSTA na ang puso ngayon ni LJ Reyes.
“Okey naman po. Masaya naman po ang puso ko ngayon.Maraming blessings from God kaya happy po,” deklara niya.
May nagpapatibok ba ngayon sa puso niya?
“Aside sa anak ko, wala pa,eh!” sey pa niya na lalong gumanda, sumeksi, at pumuti ngayon.
Ikinatuwa ba niya ang balitang split na umank sina Paulo Avelino at KC Concepcion?
“Hindi ko po alam. Hindi ko naman tinatanong kung ano talaga sila,” reaksiyon niya.
May posibilidad ba na magkabalikan sila?
“’Yung magkabalikan kami, lagi kong sinasabi..at the moment, hindi po talaga possible. Parang ngayon po wala po talaga. Civil pa lang ang relationship namin. Hindi pa friends talaga,” pakli pa ng aktres.
Galit ba siya kay Paulo?
“Ay hindi po. Hindi ako galit sa kanya,” aniya pa.
Wish nga niya na someday ay maging friends sila para mas madali para sa kanila ang magpalaki ng kanilang anak na si Aki.
Talbog!