Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, na-traydor sa sariling bahay

082314 daniel padilla

00 fact sheet reggeeHINDI maganda ang mga nababasa ngayon tungkol kay Daniel Padilla dahil may ibang babae na raw ito kaya nagkaroon umano sila ng gap ni Kathryn Bernardo base sa na-post sa social media.

Tinanong namin ang ina ni Daniel na si Karla Estrada tungkol dito dahil nangyari ito sa bahay nila.

“Hi ate Reggs, oo nga, eh kaya sobrang nag-alala ako talaga for DJ kasi nga rito sa bahay namin nangyari.

“Wala kasi ako that time, itong si DJ nag-imbita ng mga kaibigan niya.  Ganito usually ang ginagawa ni DJ kapag may libreng oras nagpapapunta ng mga kaibigan niya para rito na lang sila gumimik.

“‘Yung bakanteng lote namin sa katabing bahay, ginawang basketball court at bilyaran.

“Eh, usapang mga lalaki kuwentuhan tungkol sa mga babae, hayun, isa sa inimbitang akala kaibigan ay ini-record ‘yung usapan nila at saka ipinost sa social media.

“Kaya nga pinagsabihan ko si DJ na hindi lahat ay kailangan mong pagkatiwalaan. ‘Dapat mag-iingat ka sa mga pinapupunta mo sa bahay natin kasi bahay mo ito, eh, paano kung may gawin sa mga kapatid mo, puro babae pa naman’.

“Isipin mo ate Reggs, nasa bahay na nga lang si DJ, nagagawan pa ng isyu, eh, ‘di how much more kung lumabas ‘yan, lahat gagawin para sirain siya,” mahabang paliwanag ng aktor.

Sino ba ang babaeng tinutukoy daw ni DJ na nai-record?

“Wala naman particular na binanggit, kasi nga usapang lalaki, biruan, mga ganoon. Maraming crush si DJ, siyempre bata pa, pero kita mo naman, sa iisang babae lang siya talaga nakatutok.

“Porke’t Padilla kasi, akala ng lahat, babaero, hindi naman dahil simula naman ng nag-showbiz ang anak ko, si Kathryn lang naman ang tinututukan niya.

“‘Di ba ‘pag usapang lalaki, ang pagkukuwentuhan mga babae, eh, mas lalo akong mag-aalala kung lalaki rin ang pinag-uusapan nila, eh, iba na ‘yun.

“Mas malala pa nga tayong mga babae, kasi sobra ang usapan natin tungkol sa mga lalaki.

“Kung mapakikinggan mo ang usapan nila, nakakatawa, mga bata pa talaga at alam mong hindi seryoso.

“‘Yung kaibigan na nag-record ay kasama na ni DJ noong nasa condo pa kami sa Mandaluyong, eh, since nakakasama, akala kaibigan niya.

“So, hayun sa sariling bahay namin siya trinaydor.  Sabi ko nga, ‘sinadya ‘yun para sirain ka (Daniel).  Sabi ko nga, sino ba namang matinong tao ang makaka-isip ng ganoon, kundi ang may criminal mind’.

“Kaya bilin ko talaga sa anak ko, mag-ingat siya sa mga kaibigang pinagkakatiwalaan lalo’t pinapapasok niya sa bahay namin,” mahabang paliwanag ng nagbabalik na aktres/singer.

Wala raw problema o gusot sina DJ at Kath dahil naipaliwanag nang mabuti ng batang aktor ang nangyari at natatakot nga raw ang batang aktres dahil posible palang mangyari iyon sa mga nakapaligid sa kanila.

“Hindi naman nagalit o naapektuhan si Kathryn kasi alam niyang walang isyung dapat pag-usapan. Malawak naman ang pang-unawa niya,”sabi ng nanay ni Daniel.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …