Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

BG productions produ, mas mayaman kay Mother Lily

091714 mother lily monteverde

ni Roldan Castro

BINIRO rin ng tanong ang movie produ na si Baby Go kung sino ang mas mayaman  sa kanila ni Mother Lily Monteverde dahil sa rami ng pelikulang ipino-prodyus. Isa siyang real estate broker at negosyante bago sumalang sa pag-prodyus. Nakipagsosyo siya sa pelikulang Lihis at ginawa rin niya ang Lauriana. Tapos na niya ang Bigkis at Homeless. Si Baby ay produ na mukhang tulala at iba  ang focus nang ipakilala kami sa kanya ng kanyang line producer na si Dennis Evangelista. Ha!ha!ha!

“Si Mother Lily siyempre,” pagpatol niya sa tanong.

“Negosyo ang pagpo-prodyus ng pelikula kaya dapat bumalik ang puhunan at pasalamat tayo kapag kumita ng kaunti. Pero ang importante maganda ang layunin para tayo suwertehin. Masarap ang pakiramdam kapag nakakatulong at nakakapagbigay ng proyekto at trabaho. Iyong foundation for street children na itinatayo ko partly ng income ng movies ay ibibigay ko roon. Napakasaya ko rin kapag maganda at makabuluhan ang pelikulang ginagawa namin. This is not my bread and butter pero na-enjoy ko ang pagpo-prodyus at nabibigyan ko ng trabaho ang ibang artista,” deklara niya.

Sa darating na buwan ay dalawang pelikula ang halos sabay na gagawin ng BG Productions International. Una rito, ang Child House mula sa panulat ni Socorro Villanueva at sa direksiyon ni Louie Ignacio.

Ang isa pang pelikula ay ang Daluyong ( Storm Surge) mula sa panulat ni Ricky Lee at direksiyon ni Mel Chionglo.

Kasamang nagpapatakbo ng BG Productions International ang associate producer na si Romeo  Lindain, production consultant  Mario Marcos, at Supervising Producer Dennis Evangelista.

Bukod dito may rooster of talents rin na tinutulungan ang BG Productions na kasama sa mga pelikulang ginagawa niya sila ay sina Jash Ezekiel, Benz Sangalang, Kiel Villajin, Rhen Abad, at Vince Celis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …