ITO ang mainit na isyu ngayon sa pulisya lalo na sa government officials at sa mga politiko. Mismo!
Kailangan talaga. Bago pumasok ang isang tao sa gobyerno ay isailalim muna sa masusing lifestyle check.
Dapat gawin kada taon. At hindi ‘yung basta lang magsumite ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN). Dahil madaling mandaya sa papel. Tulad ng nangyari kay impeached Chief Justice Renato Corona. Kung hindi pa hinimay-himay ang kanyang mga ari-arian pati pera sa banko ay hindi malalaman na mandaraya pala ang dating Punong Mahistrado.
Ang kailangang lifestyle check ay makatotohanang imbestigasyon sa ari-arian ng pamilya bago pumasok o maging opisyal sa gobyerno o mahalal sa puwesto.
Kung sa kanyang pagpasok sa gobyerno ay wala pa siyang mansion, condos, mamahaling sasakyan at mga lupain pero pagkatapos ng ilang taon sa puwesto ay biglang nagkaroon ng mga ganitong mga ari-arian, aba’y dito siya dapat imbestigahan. Kung paano niya nakamit ang mga ganitong luho sa buhay na hindi angkop sa kanyang suweldo at wala rin maayos na negosyo ang pamilya. Ito’y dapat kumpiskahin! At pagbawalan nang humawak ng kahit anong posisyon sa gobyerno.
Ang ganitong batas ang dapat isulong ng ating mga mambabatas sa Kongreso.
Pakisulong n’yo nga, Senadora Grace Poe at Senador Alan Peter Cayetano, baka sakaling matuwid ang ugaling corrupt ng marami sa ating mga opisyales sa pamahalaan. Let’s do it!
Pangaral ng kapwa ‘blue boys’ sa Pasig City
– Mga kapwa ko ‘blue boys’ enforcer sa Pasig, ang letrang ‘P’ sa TPMO ay parking hindi PULIS. Mag-aral ng tamang pakikipag-usap sa pinarang sasakyan. Wala tayong karapatan sermunan yan. Kung mali, tikitan! Getz mo?
Mayor ng Pasig City, alam namin na yan mga blue boys ay mga dating adik, tambay o tricycle driver. Sana po turuan ng desenting paghuli. Wala po silang karapatan magsernon. Kung mali, tikitan. Para namang katitino nila. Langaw na langaw ang dating! – 09224934…
(Tumpak ang ating texter na isa rin TPMO ng Pasig City)
Hinaing ng pangulo ng Salamat Village homeowners (Zamboanga)
– Sir, magandang umaga. Ako po si Mr. Silverio Zuniga Jr., presidente ng Salamat Village home owners association dito sa Zamboanga City. Gusto po lamang namin ipaabot ang problema namin. 2011 pa po hindi pa nagagawa ang subduvision plan hanggang ngayon. Bayad naman po kami. Ang pangalan ng engineer na ito ay si Mrs. Annie Villarobia, naka-detail sa opisina sa DENR-Pagadian City. 6 thousand binayad namin. Ang unang Engr. Sapalyida, 9 thousand binayad namin. Walang nangyari. Ano po ba ang gagawin namin? Nasaan ang matuwid na daan? Salamat po. – 09752274…
(Kayong mga opisyal ng homeowners, sabay-sabay kayong pumunta sa opisina ng engineer na inyong binigyan ng pera para malaman ninyo kung ano pa ang kailangan para maayos ang ipinagagawa ninyo. Daanin n’yo lang sa mabuting usapan para maayos na ‘yang problema d’yan sa Salamat Village, tama ba ako Engr. Villarobia at Engr. Sapalyida? Mabuhay kayo! )
Speech ni VP Binay pawang kasinungalingan
– Sir, ang speech ni VP Binay ay pawang kasinungalingan. Siya ay lumaking masagana. Anak sya ng guro at lahi sila ng mga atty. Alam yan ng taga-Pio del Pilar, Makati. Magaling talaga siya magsalita. Ginagamit ang Makati sa politika at ayaw nilang umalis sa upuan ang pamilya nila. Nagmilyonayo ang buong pamilya. Galit sya kay Marcos noon dahil hindi umalis sa Palasyo at nagpayaman lang daw. Ganun din pala sya at gusto rin pala nyang maging pangulo tulad ni Marcos at magpayaman din. – 09495094…
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015
Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]
Joey Venancio