Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LJ, nagpakita ng boobs sa Bigkis

091914 lj reyes

00 SHOWBIZ ms mHINDI nagdalawang-isip si LJ Reyes para tanggapin ang bagong handog ng BG Productions International movie na Bigkis kahit kailangang ipakita ang kanyang boobs.

Ang Bigkis kasi ay isang advocacy film tungkol sa buhay at sakripisyo ng mga nanay sa paanakang ospital. Makakasama rito ni LJ sina Mike Tan, Rosanna Roces, Enzo Pineda, Rich Asuncion, Pancho Magno, Perla Bautista, Rico Barrera, at Lauren Young. Mula ito sa panulat at direksiyon ni Neal Tan.

Ani LJ, dalawang taon at walong buwan siyang nagpa-breast feed sa kanyang anak na si Ehtan Akio o Aki kaya walang problema sa kanya sakaling magpa-breastfeed din siya sa pelikula. “Happy nga ako sa ibinigay na project na ito ng BG Productions. Sa totoo lang, hindi lang ako nabibigyang ng chance pero gusto ko talaga maipakita ang benefits ng nagpapasuso. Gusto kong maging advocacy ang breast feeding,” ani LJ nang makausap namin ito sa presscon ng paglulunsad ng dalawang movie ng BG Productions.

Sinabi pa ni LJ na gusto niyang ipaalam sa pamamagitan ng kanilang pelikula na hindi bastos ang magpasuso sa mga anak. O natural na pamamaraan ang pagpapa-breastfeed sa mga anak.

Nang tanungin namin kung dahil sa pagpapasuso ay makikita ang kanyang boobs, sinabi nitong hindi bastos ang pagkakakuha sa tagpong iyon. Kung paano nagpapasuso ang mga ina sa kanilang anak ay ganoon din ang makikita sa pelikula.

Sa kabilang banda, sinabi nitong okey naman ang relasyon niya sa ama ng kanyang anak na si Paulo Avelino. “Civil naman kami sa isa’t isa. Nag-uusap kami ‘pag tungkol sa aming anak na si Aki. At nakukuha naman at naipapasyal niya ito,” anito. “Gusto ko nga maging friends na kami someday para na rin sa anak namin. Pero wala talagang possibility na magkabalikan kami sa ngayon. Hindi ko alam sa mga darating na panahon. Ayoko namang magsabi na wala na talaga tapos after ilang taon okey na naman kami,” paliwanag pa ni LJ.

Hindi naman siya tutol sakaling nagkakamabutihan na sina Paulo at KC Concepcion. “Ay oo naman okey lang sa akin. Ang alam ko kasi mabait din siya at mahilig din sa bata ‘yun ang naririnig ko,” sambit pa ni LJ na iginiit na wala pa siyang lovelife sa kasalukuyan dahil hindi pa siya handa. “Malalaman ko sigurong handa na ako kapag nakita ko na ‘yung lalaking para sa akin. Hindi ko rin alam, mahirap tantyahin kasi may anak na ako. This time ayoko ng hindi seryoso. Gusto ko ‘yung totoo na.”

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …