Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gary, napaiyak at napasigaw nang 4 na beses nagwagi sa Star Awards for Music

080614 gary v

ni Rommel Placente

GABI ni Gary Valenciano ang katatapos lang na Star Awards For Music na ginanap sa Solaire Resort and Casino. Apat kasing awards ang naiuwi niya.

Siya ang itinanghal na Male Recording Artist of the Year para sa album niyang With You. Ang concert niyang Arise: Gary V. 3.0 ang wagi bilang Concert of the Year. At dalawang special award ang napanalunan niya, ang Male Celebrity of the Night at Male Star of the Night. In fairness, ang gwapo naman kasi that night ng tinaguriang Mr. Pure Energy ng showbiz sa kasuotan niyang black suit.

Nasa back stage kami pareho ni Gary V. nang banggitin ng presentors na win ang concert niya kaya kitang-kita naming napasigaw siya sa kaligayahan sa pagkapanalo ng concert niya.

After niyang tanggapin ang tropeo niya, sabi niya sa amin ay sobra raw siyang masaya dahil talagang pinaghirapan nila ang kanyang concert na na-appreciate naman daw ng PMPC.

Nang manalo naman si Gary bilang  Male Recording Artist of the Year, nakita namin na umiyak siya sa back stage after tanggapin ang trophy. Tears of joy dahil nakuha niya ang isa sa pinakamataas na parangal na ibinibigay ng Star Awards For Music.

Ang sarap bigyan ng awards ng mga taong alam mong maligaya kapag tumatanggap ng awards, ‘di ba?

To Gary V, my idol, our congratulations.

ERIK, PINASALAMATAN SI KUYA BOY

PAREHO namang nanalo ang rumored sweethearts na sina Erik Santos at Angeline Quinto sa nasabing event ng PMPC. Ang album ni Erik na The Erik Santos Collection ang itinanghal na Compilation Album of the Year.  Si Angeline para sa album niyang Higher Love ang itinanghal na Female Pop Artist of the Year.

Parehong present sina Erik at Angeline sa event kaya personal nilang natanggap ang kanilang trophy. Mukhang lucky charm nila ang isa’t isa dahil nga pareho silang nanalo ng gabing ‘yun, ‘di ba?

Sa acceptance speech ni Erik ay pinasalamatan niya ang dati niyang manager na si Boy Abunda na malaki ang naitulong sa kanyang career noong siya’y nasa pangangalaga pa nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …