AYAW naman paawat sa pagpoprodyus ng matitinong pelikula ang BG Productions International na pag-aari ni Ms. Baby Go. Si Go ay isang real estate broker at negosyante bago sumalang sa pagpoprodyus. Noong isang taon nagco-produced si Go sa FDCP (Film Development Foundation) ng dalawang pelikula sa Sineng Pambansa Master Director Category.
Unang nagco-prodyus ang BG Productionsa sa pelikulang Lihis na tinatampukan nina Lovi Poe, Jake Cuenca, Isabelle Daza, Joem Bascon, at Gloria Diaz. Isinulat ito ni Ricky Lee at idinirehe ni Joel Lamangan. Sumunod naman dito ang Lauriana na pinagbibidahan nina Allen Dizon at Bangs Garcia kasama sina Victor Basa at Adrian Cabido mula rin sa panulat ni Ricky Lee at idinirehe ni Mel Chionglo.
This year, dalawang pelikula na ang natapos ng BG Productions, ang Bigkis at ang Homeless na pinagbibidahan nina Ejay Falcon, Snooky Serna, Dimples Romana, Hayden KLho, Chocoleit, Ynna Asistio, Rico Barrra, Mico Aytona, at Martin del Rosario. Mula ito sa panulat at idinirehe ni Buboy Tan. Ang Homeless ay ukol sa buhay ng mga biktima ng kalamidad na naging biktima rin ng ‘human trafficking’. Ito’y kinunan sa Cambodia at nakatakdang ipalabas sa susunod na taon sa Europa at Canada.
Next month ay dalawa pang pelikula ang gagawin din ng BG Productions, ang Child House mula sa panulat ni Socorro Villanueva at ididirehe ni Louie Ignacio. Ang isa pa ay ang Daluyong (Storm Surge) mula naman sa panulat ni Ricky Lee at ididirehe ni Mel Chionglo.
“Negosyo ang pagpoprodyus ng pelikula kaya dapat bumalik ang puhunan at pasalamat tayo kapag kumita ng kaunti. Pero ang importante, maganda ang layunin para tayo suwertehin. Masarap ang pakiramdam kapag nakatutulong at nakapagbibigay ng proyekto at trabaho. Iyong foundation for street schildren na itinatayo ko partly ng income ng mga movie ay ibibigay ko roon. Napakasaya ko rin kapag maganda at makabuluhan ang pelikulang ginagawa namin. This is not my bread and butter pero na enjoy ko ang pagpoprodyus,” ani Ms. Go.
ni Maricris Valdez Nicasio