Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tayang ingat at alalay lang

00 rekta

SA pagkakataong ito ay muling tinatawagan ng pansin ang tanggapan ng PHILRACOM na pakatutukang mabuti ang mga Board Of Stewards, pati ang bawat takbuhan sa tatlong karerahan.   Iyan ay dahil sa maraming nakikita o napapanood na gawaing hindi kanais-nais ang Bayang Karerista (BKs), kaya punong-puno ng kontrobersiyal na usapin ang mga social group ng BKs sa Facebook.

Ang una ay iyong nagawang paglingon-lingon ng hineteng si Jeff Zarate lulan ng outstanding favorite na si Princess Haya nung Setyembre 11sa SLLP na animo’y may hinahanap at inaantay? Lalo pang lumala ang galit ng BKs kinabukasan nung mabasa nila sa programa na sumasakay din ang naturang hinete sa koneksiyon nung tumalo sa kanya.   Ika nila ay nagkaroon ng bigayan.

Matapos ang kay Jeff ay napaling naman iyan sa numero unong mananakay na si Jesse Guce, na kung saan ay nagkasunod-sunod na hindi naipanalo ang mga nasakyang outstanding favorite na sina Polonius’s Advice, Marinx at Swim Event. Base sa mga BKs ay tila hindi sinakyan o inayudahang mabuti ang tatlong kabayong iyan ng tama upang manalo. Sa mga beteranong klasmeyts natin sa mga pagkatalong ganyan ay namimiligro ang puhunan ng mga BKs at malilit na horse owners ngayong panahon ng BER-months, lalo na sa mga Class-A riders ? Kaya mga klasmeyts, tayang ingat at alalay lang palagi.

Fred L. Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …