Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagbubuntis ni Cristine, ayaw daw ipagsabi

072414 cristine reyes

00 fact sheet reggeeMUKHANG naglihim sa tunay niyang kalagayan si Cristine Reyes sa mga kapatid niya dahil hindi niya inaming buntis siya.

Noong Sabado ay nakatsikahan namin si Ara Mina FAB Bazaar na inorganisa nilang tatlo nina Melissa Ricks at non-showbiz friend at natanong nga namin kung buntsi si AA na kaagad namang itinanggi ng future mom and wife ni Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Ito rin ang sinasabi ni Ara sa interviews niya sa presscon ng Tienderas ng TV5 kamakailan na ibang kapatid niya ang  buntis at hindi si Cristine.

Marahil nga raw ay naiinggit si AA sa dalawang kapatid niyang buntis ngayon dahil nga mahilig sa bata ang sexy actress.

Ayon sa aming source, ”buntis talaga si AA, ayaw lang ipagsabi kasi may project siya ngayon sa ABS, gagawan pa ng paraan kung paano hangga’t hindi halata.”

Ang boyfriend ni Cristine ay ang martial arts/gym instructor na rating may ka-live-in pero hiwalay na raw ayon mismo kay Ara.

Pero single dad ang boyfriend ni AA at nasa ibang bansa raw ang bagets na matagal ng hindi nakikita.

Ang tanong, kailan ang kasal nina Cristine at boyfriend nito?

Mukhang hindi ngayon at sa susunod na taon dahil may plano raw sina Ara at Mayor Patrick sa 2015 ‘pag medyo malaki na ang anak nila, ”gusto kong ibalik ang dating katawan ko ‘pag ikinasal ako at gusto ko maganda ako ‘pag suot ko ang wedding gown ko,” ito ang masayang sabi ng aktres na maganda pa rin maski buntis na.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …