BUTUAN CITY – Arestado ang limang bigtime drug dealers sa Carage region makaraan makompiskahan ng P6 milyong halaga ng shabu sa pagsalakay ng mga awtoridad dakong 6:30 p.m. kamakalawa ng gabi.
Nahuli sa operasyon ng intelligence personnel at SWAT-Surigao City Police Station, ang mga suspek na sila Nyrma Teves alias Asniah, Nornalyn Caliulama at Normalyn Saliling, 22, may asawa, ng Salvador, Lanao del Norte ngunit may tirahan sa Basak, Lapu-lapu City; Alex Banding Saliling, 23, ng Brgy. Lalipao, Iligan City; Norayna Saliling alyas Samira Ameril, 22, ng Salvador, Lanao del Norte, may bahay sa Basak, Lapu-lapu City; 15-anyos na si Jamil Teves alyas Mil, mula sa Brgy. Digtilaan, Iligan City, at Malic Banding, 36, residente ng Brgy. Digtilaon, Iligan City.
Ayon kay Surigao City intelligence officer, Insp. Joel Cabanes, nakompiska sa raid pasado 6:30 p.m. sa Purok 4, Brgy. Lipata, Surigao City ang 190 malalaking sachets ng suspected shabu na tinatayang nagkakahalaga ng halos P6 milyon.
Ginang timbog sa kilong Shabu
NADAKIP ang isang ginang makaraan makompiskahan ng isang kilo ng shabu sa Pasay City kahapon.
Kinilala ni Supt. Juluis Caesar Mana, hepe ng Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force ng Philippine National Police (PNP AIDSOFT), ang suspek na si Erlinda Sabanal Dienega alyas Linda, 52, ng Apelo Cruz St., Brgy. 152, Pasay City.
Ayon sa opisyal, nakatanggap sila ng impormasyon na patungo ng Iloilo ang ginang upang magdala ng droga.
Agad nagpanggap ng poseur buyer ang isa sa mga miyembro ng AIDSOFT upang bumili ng shabu sa ginang.
Aktong iniabot ng ginang ang binibiling droga sa halagang P2,000 ay dinakma siya ng nakaabang na mga awtoridad.
(JAJA GARCIA)