Monday , December 23 2024

Nora, may tampo sa TV5 dahil sa kawalan ng project

091814 nora aunor

00 fact sheet reggeeSA presscon ng pelikulang Dementia na pinagbibidahan ni Ms Nora Aunor ay indirect niyang inaming may tampo siya sa TV5 dahil matagal na siyang walang project.

Dalawang serye lang ang nagawa ng aktres sa Kapatid Network, ang Sa Ngalan ng Ina atNever Say Goodbye.

Sabi ni Ms Nora, ”nagbago kasi, eh. Noong nagbago, hindi na ako masaya siyempre, parang ganoon.”

“Actually, ang nagawa ko lang ng teleserye, ‘Sa Ngalan ng Ina’, ‘Never Say Goodbye’ na hindi ano (maganda) ‘yung istorya, siguro naman may mga nakapanood niyon, ayoko namang mamintas pero kung ano ang sinabi ng mga nakapanood, iyon ang sundin natin, tapos puro guesting.”

Sa Oktubre 29, 2014 na magtatapos ang kontrata niya sa TV5, may plano bang mag-renew ang Superstar?

“Depende sa desisyon ko, depende sa pag-uusap, kung kakausapin nila ako,” mabilis nitong sagot.

Ano naman ang natutuhan ni Ms Nora Aunor sa nangyari sa kanya sa TV5 in case muli siyang pipirma sa ibang network?

“Naging pabaya rin naman ako noong araw, inaamin ko naman ‘yun. Pero hindi naman ako sa hindi sumisipot, nali-late nga lang talaga ako kapag may appointment. Sinisigurado kong mapupuntahan ko naman.

“Ang makakapigil lang sa akin kung bakit hindi ako nakakasipot, katulad niyong (taping) sa ‘Sa Ngalan ng Ina’ na tatlong beses akong na-ospital, and dapat ‘yun sagot ng TV5, pero ibinawas sa kontrata ko. Ibig sabihin, naghihintay lang ako ng importansiya, hindi naman siguro masamang bigyan ka ng importansiya kasi kahit ano rin naman ang hilingin nila siyempre naka-kontrata ako, pinagbibigyan ko naman lahat at wala silang masasabi,”pagtatapat ng aktres.

Natanong naman namin si ate Guy sa isyung binabawi niya ang pangalang Maria Leonora Teresa na titulo ngayon ng pelikula nina Zanjoe Marudo, Iza Calzado, at Jodi Sta. Maria na idinirehe ni Wenn Deramas na palabas ngayong araw mula sa Star Cinema.

“Naku, pag-usapan na lang natin ang Dementia,” paiwas na sagot sa amin.

Sinundot naman ng ilang katoto na bakit daw ginawang horror ang Maria Leonora Teresa at marami raw nagre-react at kung binabawi niya ang titulo.

“Ay hindi ko alam, pelikula nila ‘yun. Eh, kung ibinigay, eh, ‘di binigay, salamat po,” sabay alis na ng aktres.

Kasama rin sa Dementia sina Jasmine Curtis, Yul Servo, Chynna Ortaleza, Althea Vega, Jeric Gonzales, Lou Veloso, Lui Manansala at Bing Loyzaga handog ng Octobertrain Films, The Idea First Company, Inc. na distributed naman ng Regal Films.

ni Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *