Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magsanoc ititimon ang Hapee Toothpaste

091814 Ronnie Magsanoc

TINANGGAP na ng dating PBA superstar na si Ronnie Magsanoc ang trabaho bilang head coach ng Hapee Toothpaste sa PBA D League.

Si Magsanoc ay dating head coach ng San Beda College sa NCAA at assistant coach siya ngayon ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP at Meralco Bolts sa PBA.

Ang Hapee ay papalit sa North Luzon Expressway na nakapasok na bilang expansion team sa PBA.

Nagbabalik ang Hapee sa basketball sa pamamagitan ng pagsali nito sa D League pagkatapos ng ilang taong pamamahinga mula noong umatras ito sa Philippine Basketball League.

Ilan sa mga manlalaro ng Hapee ay manggagaling sa San Beda sa pangunguna nina Ola Adeogun, Art de la Cruz at Baser Amer.

Bukod dito, kasama rin sa lineup ng Hapee sina Garvo Lanete at Kirk Long.

Ang pagsali ng Hapee sa D League ay magiging unang hakbang tungo sa pagpasok nito sa PBA bilang expansion team sa susunod na taon.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …