Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lea, aliw na aliw kay Gloc 9

091814 leah salonga gloc 9

ni ROLDAN CASTRO

Kapansin-pansin din na aliw na aliw si Lea Salonga habang kumakanta si Gloc 9. ‘Yung mga reaksiyon niya sa The Voice ‘pag natutuwa  sa nagpe-perform ay nasaksihan ulit namin sa kanya.

Bumaba rin sa entablado at nagbigay pugay si Sarah kay Lea pagkatapos niyang mag-perform.

Nagbigay ng tribute para sa Parangal Levi Celerio awardee na si G. Ryan Cayabyab sinaChristian Bautista, Celeste Legaspi, at ang Ryan Cayabyab Singers (RCS). Sina Pops Fernandez at ang Final Four ng The Voice Kids na sina Darren Espanto, Juan Karlo Labajo, Darlene Vibares, at Lyca Gairanod naman ang nag-alay ng tribute kay Lea na siyang ginawaran ng Pilita Corrales Lifetime Achievement award. Nagwagi rin si Lea ng Female Concert Performer of the Year.

Male at Female Celebrity of the Night sina Gary at Sarah. May kumalat na tsismis noong gabing ‘yun na hindi agad tinanggap ni Sarah ang nasabing parangal dahil kailangan munang kumonsulta umano sa legal kung walang conflict sa ini-endorse niya dahil sponsor ng Erase Plantcenta ang nasabing special award. Male at Female Star of the Night naman ay sina Gary at Lea.

Sabi ni Gary V., first time niya na maging Star of the Night sa tanang career niya at feelingDaniel Padilla siya ng gabing ‘yun.

Proud na proud din siya na naging Concert of the Year ang Arise na idinerehe ng kanyang anak na si Paolo Valenciano.

Post nga ni Gary V sa kanyang Twitter account, ”Tnx PMPC for recognizing the work put in to ‘ARISE GARY V 3.0’…and to all who watched, thank you so much. ‘ARISE’ wins concert of the year.”

Ang natsitsismis na magnobyong Erik Santos at Angeline (na sweet ng gabing iyon at sabay pang umuwi) ay wagi rin ng Compilation Album of the Year at Female Artist of the Yearrespectively. Hindi nakarating ang mga nagwaging sina Vice Ganda (nasa Europe), Daniel (Male Pop Artist of the Year), at Richard Yap (nanalong New Male Recording Artist of the Year).

Sayang at wala rin si Zia Quizon na first time na manalo sa Star Awards at tinalo niya ang mga past winner sa Female Acoustic of The Year. Halata rin na nag-isnaban ang dalawang female acoustic singers sa nasabing awards night.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …