ISANG Airport police ang hindi na nakatiis dahil sa matinding hirap at kunsumisyon kaya lumapit na sa inyong lingkod.
Tungkol po ito sa kanyang GSIS e-CARD. Bilang isang government employee, kailangan na kailangan nila ang GSIS e-CARD sa bawat transaksiyones nila sa iba’t ibang government offices.
Pwede rin daw ito maging parang ATM. Kumbaga lagyan lang ng load at lagyan ng laman ‘e maaari nang gamitin sa iba’t ibang bayarin. At pwede rin daw makakuha ng cash loan.
Kapag nairehistro nga ang e-Card awtomatikong pwedeng i-avail ang cash advance bonus na P5,000, payable within five years.
Halos isang taon na ang nakararaan nang una niyang tangkain na kumuha ng GSIS e-CARD.
Ang kaso nagkasakit siya kaya bumalik siya noong Hulyo 2014.
Nakuha naman niya ang kanyang e-CARD. Pero nang irehistro niya ‘e INVALID pala. Kaya muli na naman siyang bumalik.
Sinabihan na naman siya na bumalik after one month, bumalik na naman ‘yung pobreng APD police.
Aba mantakin ninyong pagbalik niya, ‘e nasa Dipolog na naman daw ang kanyang e-CARD.
SONABAGAN!!!
Alam mo ba GSIS Pres. & GM ROBERT VERGARA na malaking abala sa isang government employee ang magpabalik-balik sa inyong tanggapan para lang sa isang e-CARD?!
Pagkatapos pagdating doon ‘e palpak din pala dahil kung ano-anong aberya ang napapala nila.
Ano naman ang ia-alibi ng GSIS?
Dahil sa service provider nila? O talagang hindi nila kayang i-monitor kung paano talaga naipoproseso ang kanilang e-CARD?!
Madam Ma. Ruth Carunungan, Vice-President of the GSIS Systems Development Office Information Technology Services Group, pwede bang paki-check ninyo maigi ‘yang e-CARD ninyo dahil palpak talaga.
Aba ‘e ang ganda ng press release ninyo na parang SUPER CARD ‘yang e-CARD pero sa registration pa lang PALPAK na agad?!
Ayusin nga n’yo ‘yan! Buseeet!
C/INSP. ROLLYFER CAPOQUIAN OVERSTAYING NA SA PARAÑAQUE PCP!?
TALAGANG hindi na nagiging epektib ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) kapag masyado nang nagtatagal sa kanyang pwesto.
Gaya na lang d’yan sa Parañaque Baclaran PCP na pinamumunuan ni Chief Insp. Rollyfer Capoquian.
Aba, nagtataka tayo kung bakit kung kailan siya tumagal ng mahigit dalawang taon at overstaying na nga ‘e saka lalong naging talamak ang video karera, bookies, jueteng, snatching at maging ang droga ay naging talamak.
Isama na rin diyan ang mga illegal terminal at kotong sa vendors.
Aba, Major Capoquian, masyado ka na yatang naging at home sa iyong pwesto at parang ayaw mo nang maiba pa ng pwesto at lugar.
Okey lang sana kung napapanatili mo ang peace and order ‘e ang problema nga lalo yatang naging talamak ang kriminalidad, iba’t ibang operasyon ng sugal-lupa, video karera at jueteng.
‘E ano ba talaga ang ginagawa mo?!
O baka naman nababagot ka na d’yan sa pwesto mo?!
SILG Mar Roxas, pwede na raw kandidato itong si Major Capoquian sa bagong programa niyong lifestyle check sa mga pulis?! Sampolan mo na nga.
Parañaque PNP Chief S/Supt. Ariel Andrade, mukhang paborito n’yo masyado si Major?
Mahusay ho bang mag-deliver?
Nagtatanong lang po!
BAGMAN TURN DOORMAN SA MPD HQ!?
Pinagpipiyestahan ang kakaibang estilo ngayon ni MPD DD Rolando Asuncion, ito ang paglalagay sa ‘hawla’ kuno ng mga pulis Kolek-tong (bagman) sa lungsod ng Maynila sa kanyang opisina.
Ginawa raw tagabukas (doorman) ng PINTO ni General Asuncion ang mga sikat na kolektong na sina alias Tata Tonio Bong Krus ang nagpapakilalang bagman ng PS-11 at Task force Divisoria/Chinatown at Raxabago PS-1.
Bagman Domeng Demonyo para sa City hall codename GENBOB. Bagman Boy TONG Wong ng District Special Project Unit (DSPU) at Divisoria. Bagman Mudomod at Omli ng Juan Luna PCP-1. Bagman Tata Asuncion alyas Asu ng PCP Plaza Miranda PS-3. At si alias Neil Manlapas na ipinangongolektong pa rin ang dissolved units na District Police Intellegence Office Unit (DPIOU) at Special Task Force Group (STG).
Usap-usapan din ngayon sa MPD HQ, na kaya raw INIHAWLA ‘yang mga kilalang KOLEKTONG ay para hindi na malayo at maligaw kay General Asuncion?
Totoo ba ‘DD!?
O para hindi malambat ng Task Force KOTONG ng Malacañang ang kotong cops ng Manila Police District?
Nasa listahan na raw kasi ng Task Force Kotong ang mga damuho.
OK ‘yan ginawa mo General Asuncion, siguradong hindi ka na mabubukulan ‘este’ mapalulusutan ng mga tarantadong ‘yan?!
PAKI-VERIFY ANG SUMBONG NA ‘TO, GEN. ROLANDO ASUNCION
SIR Jerry, grabe ang dalawang pulis ng Manila Police District Anti Crime Unit Section PS-2 hindi na kami makapaghanapbuhay nang maayos dito sa kahabaan ng Claro M. Recto Tondo, Maynila (DIVISORIA) kahit sa hawla kami ng Sto Niño de Tondo ay pilit pa rin kami kinokotongan ng mga tauhan ni Senior Inspector Mallorca, hepe ng Anti-Crime Unit.
Kailangan daw ibalik namin ang halagang tong nila na umaabot sa P40,000.00 kotong namin sa dalawang pulis na sina PO2 MARK JHON VERGARA, alyas bunso, at PO2 FALLAR.
Mula po nang malagyan kami ng ‘hawla’ sa kahabaan ng Claro M. Recto Avenue Tondo, Maynila ay tuwang-tuwa na kami dahil hindi na kami makokotongan ng dalawang bugok na pulis ni Senior Inspector Mallorca.
Kahit daw magsumbong kami kay MPD Director Rolando Asuncion ay matibay daw ang kanilang amo na si P/ Supt. Gilbert Cruz, Chief of Staff ng Manila Police District .
Sana Sir matulungan mo naman kami na matuldukan na ang kawalanghiyaan nina Bunso at Fallar mapalagpas lang nang konti ang paninda namin sa hawla ay kokompiskahin nila ang paninda at patutubos ng P500 kada paninda o inquest sa kasong PD# 825 sa pagtatapon ng basura.
At kailangan daw po magbigay kami sa kolektor nila na si Bamban para hindi na raw kami bulabugin.
Nagreklamo po kami sa Manila Action and Special Assignment (MASA ) ng City Hall ng Maynila ay taingang-kawali lang po sila at hanggang ngayon ay di sila umaaksiyon kay Bamban at sa dalawang bugok na pulis ni Mallorca.
Gumagalang, Vendor ng Hawla sa Divisoria (Huwag po n’yo ilabas email-add ko.)
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com