ISANG mabituing gabi ng pagbibigay-parangal sa mga Alagad ng Musika ang matagumpay na idinaos ng Philippine Movie Press Club (PMPC) 6th Star Awards for Music noong Linggo, Sept. 14 sa Grand Ballroom, Solaire Resort and Casino, Paranaque.
Nagsilbing hosts sina Maja Salvador, Jake Cuenca, at Christian Bautista. Si Maja, na nagwagi ng Dance Album of the Year, ay naghandog ng isang song and dance number; ang mag-amang Gary V. at Kiana Valenciano ay nagduweto; at sa opening number inawit ng mga nominado para sa Song of the Year ang kanilang kalahok na kanta: Bassilyo (Lord, Patawad),Gloc 9 (Magda), Jonalyn Viray (Help Me Get Over), Abra (Gayuma), Kris Lawrence (Ikaw Pala), Sarah Geronimo (Ikot). Marami ang nanghihinayang na hindi nakanta ni Angeline Quinto ang (Nag-Iisa) na nominado sa naturang kategorya. Na-miss niya at napalampas ang isang napakagandang production number na puwede niyang pagsisihan na hindi siya nakasali. Ang sabi ay nasa abroad ito pero noong Friday ay nakarating na pala sa ‘Pinas kaya nakadalo siya sa awards night.