Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Clifford, naisakripisyo ang trabaho sa Macau dahil sa pagmamahal sa pagkanta

091814 Clifford Allen

ni ROLDAN CASTRO

DAHIL sa pagmamahal sa musika ay naisakripisyo ng Asia’s Singing Sensation na si Clifford Allen Estrala ang kanyang trabaho sa Macau.  Hindi niya kasi matanggihan ang pagkakataon na magkaroon ng show sa US.

Hindi naman nagsisisi si Clifford dahil pabalik-balik na siya sa mga show sa Amerika. Sa sarili niyang diskarte at pagpupunyagi ay patuloy na lumalawig ang kanyang singing career.

Noong August 24 at August 30 ay naging matagumpay ang kanyang show sa Honolulu at Kauia sa Hawaii.

“Nagpapasalamat ako dahil marami ang sumuporta at nag-welcome sa akin sa Hawaii USA. Magko-concert ulit ako sa USA sa December na sponsors and produce nina Mr and Mrs Elmer Bueno, Jezza Leano, Allan Leano, Trifon Savellano, Israel Savellano, Ren Camarillo, Mr and Mrs. Willie Tolentino, Mr and Mrs. Ronnie Gamiao, Mr and Mrs. Roger Apuya at Christine Bumanglag,” bulalas niya.

“May isa ring gustong makipag-duet sa akin na US citizen. Siya ay si Reynaldo Calso Ramos from Vintar, Ilocos Norte. He is an Ilocano recording artist. Pangarap din niya akong makasama sa mga SM mall show ko rito sa Pilipinas at makasama rin sa susunod na concert ko sa Hawaii this coming December,” kuwento pa niya.

Nakatakda rin  siyang magkaroon ng concert sa UB Baguio na prodyus nina Mr. And Mrs. Roland Gundran. May mall show din siya sa September 19  sa Cebu.

Si Clifford ay naging nominado bilang Best New Male Recording  noong 2013 sa PMPC Star Awards for Music para sa kanyang album na Only In My Dreams under Aquarius Records. Sampung awitin ang nakapaloob sa kanyang album. Mapakikinggan dito ang Nagmamahal Sa ‘Yo, Kung hindi Ikaw, Huwag na lang, Say My Name, Only in my Dreams, Kay Saya, Please Dont lose your love, You’re Happy Now, I will Let You Go, Ikaw na Nga, at Palagi na lang Ikaw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …