Thursday , December 26 2024

Ang Ismagler mayor at si Tolentino, Jr.

00 rex target logo

GRABE ang katarantaduhang pinaggagawa ng alkade na alyas MAYOR “DODONG DIAMOND,” mula sa Kabisayaan.

Naturingang opisyal pa man din ng Mayor’s League ngunit isang talamak na smuggler ng bigas, ukay-ukay at mamahaling sasakyan.

Paboritong daungan ni YORME ismagler ng kanyang mga kontrabando ang puerto ng Caga-yan De Oro (may tongpats na customs police) at Cebu. Dito pinalalabas ng mga tauhan ng tarantado, kasabwat ang ilang tiwaling opisyal ng Bureau of Customs at PNP Maritime na local transhipment ang mga kargamento at ililipat ng barko mula sa mga international vessel patungo naman ng North Harbor sa Tondo, Maynila.

Pero sa totoo lang, mga pekeng produktong galing China ang mga kargamento ni Mayor Smuggler.

May tip nga pala po tayo kay Mayor Rod Duterte ng Davao City.

Nagpaparating din po pala si makapal na mukhang Mayor Smuggler sa Port of Davao, Ma-yor Duterte. Paabangan na lamang po n’yo di-yan at sampolan n’yo agad.

Bukod sa pagiging talamak na smuggler, certified casino addict din pala ang Bisayang alkalde. Paborito ni Mayor smuggler ang Resorts World sa Pasay City.

‘Pag nandito sa Maynila si Yorme, diyan lang naman sa Diamond Hotel naka-check in. Walang-wala po talaga.

By the way, nakakuha po pala tayo ng isang exclusive photo ni Mayor Smuggler nang pagkalooban umano ng asalto ang comedian na si Amay Bisaya para sa kaarawan niya sa isang piano-bar sa Malate.

Kasama niya ang ilang heneral na mukhang matibay ang papel sa inner-circle ni Yormeng Smuggler.

Mestiza rin ang siyota ‘este kasama ni Yorme nang gabing iyon na biglang nawala nang umalis ang convoy ng alkaldeng Bisaya. Hehehe.

Bigtime pala talaga ang alkaldeng smuggler.

Alam kaya ni BOC Commissioner John Sevilla ang smuggling operation ni alias Mayor ‘Brilyante’ cum smuggler?

Brilyante nga ba o diamante!?

May kasunod pa…abangan!

SMUGGLER TOLENTINO JR AT SI ATTY. OTSO – OTCHO

Balewala lang daw kay TOLENTINO JR ang maigting na anti-smuggling operation ng Bureau of Customs.

Tuloy-tuloy pa rin ang parating ng mga kontrabando ng tarantadong smuggler na si TOLENTINO JR sa Port of Manila (POM) at MICP.

Hangga’t busog umano ang kabagang at katongpats nitong si alias Attorney Otso ay walang makapipigil sa smuggling spree ng bugok na si Tolentino.

Pinagyayabang pa na hindi raw tumatayo ang balahibo nitong si JR kay Comm. John Sevilla dahil nakasandal umano sa pader na padrinong abogadong si alias Otso-otso.

Isa sa mga untouchable smugglers diyan sa Bureau of Customs si TOLENTINO na kayang ‘magparating’ ng 100×40 – footer vans every week gaya ng plastic resins, bigas, ukay-ukay, fake China products, steel at mga chemical.

Kaya naman grabe at sikat na sikat sa mga sabungan ngayon si Tolentino JR. Kayang-kaya niyang pumarada ng P2-4-M sa kanyang mga tinali (manok).

Plantsado umano magtrabaho ang kupal na si TOLENTINO dahil bukod sa mga opisyal ng Aduana, busog din sa ‘payola’ ang ilang media man na nagbibigay proteksyon sa kanya.

Pawang ‘misdeclared’ ang mga parating ng tarantado gamit bilang mga consignees umano ang mga kompanyang Sprintline, Silent Royalty, Concrete Solutions, Hello Multisales, Shockwave, Ropera Marketing, Y2 Industrial, JP Energy Solution, RGEL Trading, Wan Hong Construction, Thule Car Accessories, JYC Sparkling at ang Gitti and Packages Design.

Isang alyas Kenneth Quial at alyas Richard Geonzon ang mga umaaktong ‘BROKER’ kuno na lumalakad sa mga palusot na kontrabando ni Tolentino.

Ang nakatatakot sa vertical na negosyong ito ni Tolentino bukod sa hindi pagbaba-yad ng tamang taripa at buwis, ang balitang pagpapalusot ng droga ng kanyang grupo.

Anong meron si Tolentino JR at Atty. Otso at ‘di kayang banggain ng mga namumuno nga-yon sa Bureau of Customs?

Makinig sa DWAD 1098 khz am TARGET ON AIR Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *