ni Ed de Leon
NOON pang huli kaming nagkita, nagtanong sa amin si Mayor Herbert Bautistakung ok lang daw bang bisitahin niya sina Senador Jinggoy Estrada at SenadorBong Revilla sa kulungan? Hindi naman kasi maikakaila na may bahid din ng politika ang kaso ng mga senador na iyan, at si Mayor Bistek ay kasama sa partido ng presidente.
Pero hindi naman maikakaila na bago pa nila pare-parehong pinasok ang politika ay magkakaibigan na sila, at sabi nga ni mayor, ang kauna-unahan niyang labas sa pelikula bilang artista ay sa pelikula ni Erap, at naging magkaibigan na sila ni Jinggoy noon pa man.
Palagay namin wala namang masama kung dumalaw siya sa mga kaibigan niya. Hindi naman nila pag-uusapan ang politika, dadalaw lang naman siya.