Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Valencia house, ipinasasauli ni Nora kay Mother Lily

091714 nora mother lily

00 SHOWBIZ ms mNAKATUTUWA ang biruan nina Mother Lily Monteverde  at Nora Aunor sa presscon ng pelikulang Dimentia kahapon na ginawa sa Imperial Hotel na idinirehe ni Percival Intalan.

Bago ang presscon, nag-akap muna sina Ate Guy at Mother Lily at saka nasambit ng Regal Matriarch na, ”I became rich because of Ate guy. You know why? Because she gave me Valencia (ang mansiyong dating pag-aari ng Superstar). Thank you Ate guy. I will always remember that. From the bottom of my heart, talagang mahal na mahal kita,” giit ni Mother Lily.

Sinagot naman ito ni Nora ng, ”Ako rin naman mother eh, sa totoo lang”.

“Totoong tao tayo body and soul magkasama tayo,” sagot muli ni Mother Lily.

“Oo naman mother,” pakli ni Ate Guy. “Isauli n’yo na lang ang Valencia,” natatawang giit ng Superstar kay Mother Lily na tila deadma naman sa sinabi niya at kinantahan lamang siya.

Muli namang iginiit ni Nora ang, ”Yes please bago ‘yun (ang pagkanta) ‘wag n’yo nang kalimutan ang Valencia. Isauli mo na.”

Sa kabilang banda, ang Regal Films ang magri-release at magdi-distribute ng pelikulang Dimentia na bukod kay Ate Guy ay pinagbibidahan din nina Jasmine Curtis-Smith, Bing Loyzaga, Yul Servo, Chynna Ortaleza, Althea Vega, jeric Gonzales, Lou Veloso, at Lui Manansala.

Ito’y mula sa istorya ni Jun Robles Lana at palabas na sa mga sinehan sa September 24.

Ang Dimentia ay isang horror film na ukol sa isang babaeng nagngangalang Mara Fabre (Nora) na na-diagnose na mayroong dementia kaya dinala siya sa kanilang probinsiya sa Batanes sa pag-asang maibabalik ang kanyang memorya. Pero hindi iyon ang nangyari dahil doon nag-umpisang may mga nakikita siyang siya lamang ang nakakakita.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …