Nagulat kami sa paninda ni Ryza dahil pawang sosyal kompara sa ibang booth na pawang Filipino dishes ang tinda.
Halos lahat ay best seller ang tinda ni Ryza tulad ng natikman naming to die for na lasagna na sobrang linamnam at pasta tuyo na talagang hindi tinipid sa ingredients, red sauce spaghetti at ang pesto na umaga palang daw ay ubos na. Mabenta rin ang sandwiches na hindi namin natikman.
Tinanong nga namin kung bakit Sweet Poison Deli ang napiling pangalan ni Ryza, ”mahilig po kasi ako sa bungo,” sabay ngiting sabi ng dalaga habang inaasikaso ang mga bumibili.
Kasama ni Ryza ang mga kapatid niya at akala namin ay tumutulong lang siya, ”si Ryza po lahat nagluto niyan,” sabi sa amin ng ate ng dalaga.
Naging word of mouth siguro ang paninda ni Ryza kaya talagang dagsa ang tao sa booth niya.
Tanong nga namin kung nabawi na niya ang puhunan at upa sa bazaar dahil maraming bumibili sa kanya, ”hindi ko pa po alam, he, he, salamat po ate Reggee,” sagot sa amin.
Biro namin sa dalaga kung bakit hindi siya maglagay sa GMA ng gourmet café tutal ay wala naman daw siyang TV project pa at napangiti lang sa amin si Ryza.
At dahil sa rami ng servings ni Ryza at ingredients ay duda kami kung kumita siya ng malaki dahil sobrang mura ng benta niyang P100.
ni Reggee Bonoan