Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pamunuan ng BSU kinasuhan sa Ombudsman (Sa Madlum river tragedy)

SINAMPAHAN ng mga kasong multiple counts ng reckless imprudence resulting in homicide and psychological trauma, multiple counts ng paglabag sa RA 7610 (Child Abuse), paglabag sa RA 3019 (Graft and Corruption),  multiple counts ng grave misconduct, at multiple counts ng grave neglect of duty sa Office of the Ombudsman ang pamunuan ng Bulacan State University (BSU).

Ito ay kaugnay sa pagkamatay ng pitong first year college students sa kursong Tourism, sa ginanap na field trip sa Madlum river, sakop ng Brgy. Sibul, sa bayan ng San Miguel, Bulacan noong Agosto 26, 2014.

Ang mga kinasuhan ay si BSU president, Dr. Mariano de Jesus, at ang walong mga opisyal ng nasabing unibersidad, gayundin si Erwin Valenzuela ng Adventours Travel Agency, ang dalawang BSU student na sina Jermaine at Angelo Santiago ng College of Tourism, at ang tatlong Madlum tour guide ng Brgy. Sibul.

Ayon sa magkapatid na sina Atty. Jeric Degala at Atty. Juvic Degala, may hawak ng kaso, inihain nila sa tanggapan ng Ombudsman ang kasong kriminal at administratibo laban sa mga nabanggit na personalidad upang sa isang husgado na lamang dinggin ang mga ito.

(DAISY MEDINA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …