Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gazmin may ‘power’ sa VFP — GCG at SC

091714 veteran ph dnd gazmin

NILINAW ng Governance Commission for Government Owned or Controlled Corporations (GCG) sa Veterans Federation of the Philippines (VFP) na kahit may kakaibang katangian ito bilang GOCC ay nananatiling nasa ilalim ito ng kontrol at superbisyon ni Department of National Defense (DND) Secretary Voltaire Gazmin.

Sa liham ng GCG kina VFP Chairman, President at Chief Executive Officer Emmanuel De Ocampo at VFP Executive Vice President at Vice President for Operations ret. Col. Bonifacio de Gracia, idiniin ng ahensiya na hindi maaaring balewalain ng VFP  ang katotohanang nilikha ito sa ilalim ng Republic Act No. 2640 bilang lupon na nasa ilalim ng kapangyarihan ng Kalihim ng DND.

Sa paliwanag na nilagdaan ni GCG Chairman Cesar Villanueva at Commissioners Ma. Angela Ignacio at Rainier Butalid, pinahalagahan din ng ahensiya ang hatol ng Supreme Court (SC) noong 2006 na may kapangyarihan ang kalihim ng DND na magpatupad ng mga repormang kailangan sa VFP at pinayuhan ang VFP Supreme Council na makipag-ugnayan sa DND sa ilalim ng umiiiral na mga batas.

Ayon sa pinal at dapat ipatupad na desisyon ng SC, kinatigan nito ang kapangyarihan ng Kalihim ng DND sa pag-isyu ng DND Circular No. 04 na magtalaga ng mga kinatawan at mag-isyu ng mga patakaran lalo sa paraan ng eleksiyon ng mga opisyal at disposisyon sa mga ari-arian ng VFP.

Ikinatuwa ng maraming samahan ng mga beterano sa iba’t ibang panig ng bansa tulad ng Defenders of Bataan and Corregidor, Inc. (DBCI) ang ipinakitang “political will” ni Gazmin sa pag-aproba sa bagong Constitution and By-Laws (CBL) upang mareporma ang VFP na itinuring na kaharian ng ilang opisyales nito.

Ayon kay DBCI National Commander Atty. Rafael Evangelista, ipinanukala niya kay Gazmin na magtatag ng Management Committee upang lubos na maipatupad ang CBL na pakikinabangan ng nakararaming beterano at pamilya ng mga ito hindi tulad ngayon na nagtatamasa lamang ang iilan sa VFP.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …