Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Erik, walang karapatang murahin si Lovi

090714 Erik Matti  lovi poe

 ni Vir Gonzales

NAKADEDESMAYA, hindi lang natuloy pumayag si Lovi Poe sa inaalok ni Direk Erik Matti, nauwi pa sa pagbibitiw ng salita na masakit sa dalaga. At nabansagan pang starlet sa kabila ng maraming pelikulang ginawa.

Sana kaunting hinahon din ang nararapat kay Direk Erik. Masakit pakinggan o masabihan niya ng starlet. Kawawa naman ang mga artista, lalo’t nasa mataas na position ang nagsasalita.

Sabi nga ng iba, kung ‘yong presyong sinabi ni Lovi ay gayun kalaki, huwag na lang kunin, dahil marami namang available para tanggapin ang alok.

May nagkomento pa na kung nabubuhay ang action king na si FPJ, hindi puwedeng murahin ng ganito si Lovi. Tiyak magbo-boomerang ang mga salitang ipinukol kay Lovi. Nakasama namin si Lovi noong araw, sa mga out of town fiesta, at napakabait niya. Hindi bagay ang mga salitang ibinato sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …