ni Vir Gonzales
NAKAPAG-IISIP ang balik-tambalan nina Robin Padilla at Vina Morales sa pelikulang Andres Bonifacio. Naging sila kasi rati at pinangangambahang baka manumbalik ang mga nakaraan.
Subalit pareho namang nagsabi ang dalawa na sa pelikula lang manunumbalik ang pagmamahalan nila bilang Andres Bonifacio at ang GF nito.
Makakasama rin si Daniel Padilla sa movie kapareha si Jasmine Curtis. Pamangkin ni Robin si Daniel kaya hindi puwedeng tangihan ng binata.
May nagtatanong, matulad kaya si Daniel sa naging kapalaran noon ni Derek Ramsay na na-ban sa ABS-CBN ang anumang anunsiyo regarding his movie? Naku huwag naman sana. Pang Metro Manila Film Festival lang naman ito.
Gustong maisama ni Robin ang pamangkin sa isang prestihiyosong pelikula na puwedeng maipagmalaki. Hindi mga tipong kabaklaan at pang epal-epal lang, may kalidad.