SINUSUPORTAHAN Malacañang ang plano ng interior department na makipagtulungan sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa pagsasagawa ng lifestyle check sa mga opisyal at miyembro ngPhilippine National Police (PNP) officials.
Ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, ang nasabing pagsusuri ay magiging confidential at ang resulta ay magagamit lamang kung may kaso na maipipila sa mga pulis.
Ayon kay Interior Secretary Mar Roxas, ang nasabing lifestyle check ay upang malaman at mapanagot sa batas ang mga abusadong pulis.
Nais ng gobyerno na isailalim ang mga pulis sa lifestyle check makaraan ang insidente ng hulidap sa EDSA, Mandaluyong na kinasangkutan ng mga miyembro ng PNP.