Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gawad Kabataan ng SMAC, nagpapa-aral ng mga kabataan

091614 SMAC Gawad Kabataan

00 SHOWBIZ ms mDAPAT batiin at saluduhan ang bumubuo ng SMAC (Social Media Artist & Celebrities) Television Production dahil naisip nilang gumawa ng isang Web Serye na ang layunin ay para makatulong na mapag-aral ang mga kabataang salat sa yaman o kakayahang makapag-aral.

Ang tinutukoy naming serye ay ang Gawad Kabataan na napapanood sa Youtube. Nagsisiganap dito ang mga batang sa murang edad ay nais na ring makatulong sa mga tulad nilang kabataan. Ang tinutukoy namin ay ang Kabataan Youth Ambassadors na sina Justin Lee at Jonathan Solis.

Ayon sa SMAC, layunin nilang mapalawak at mai-promote ang kahalagahan ng edukasyon. Naisip nilang gamitin ang social media para malaman ang ukol sa kanilang proyekto. Mula raw sa 25 percent na kanilang kinikita mula sa events’ gross earnings, ine-encourage rin nilang mapanood ang kanilang programa sa Youtube Channel (Celebrity Channel TV). Kasi sa bawat panonood, equivalent na iyon sa 25 centavos na maidaragdag sa Gawad Kabataan Charity Fund.

Tinutulungan ng grupo ang paarang tulad ng Aguho Elementary School, Cesar Blansa Jr. na parehong matatagpuan sa Tanay, Rizal; MASCAP National High School at Rhea Liquim Dalagan sa Rodriguez, Rizal; at Maribel Corollu ng Quareroad, Binangonan, Rizal.

Bukod sa Gawad Kabataan, mayroon din silang Web Serye na I Never Knew Love na tinatampukan nina Bens Bautista, Carla Zara, at Prince Teodoro na idinirehe ni Michael Mate. Nariyan din nag Sing For Your Dreams na isang online singing competition na ang host ay sina Casey Martinez ng UpGrade at Grey Capulog ng Way-Up.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …