Saturday , November 23 2024

Ex-MTPB member arestado

ARESTADO ang isang 52-anyos dating miyembro ng Manila Traffic Parking Bureau makaraan mabisto na nanghuhuli ng mga sasakyan sa Paco, Maynila.

Sinampahan ng kasong usurpation of authority at nakapiit na sa Manila Police District General Assigment and Investigation Section ang suspek na si Emiliano Polo, walang trabaho, ng 1340 Linao Street, Paco, makaraan maaresto dahil sa reklamo ni Dometrio Tupas, 45, miyembro ng MTPB.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 9 a.m. nang arestohin ang suspek sa Linao Street, Paco, Maynila ma-karaan makita ng isang Sarhento Bautista habang nanghuhuli ng mga sasakyang pumapasok sa one-way.

Ayon sa pulisya, bunsod ng bagyong Luis, kinansela ang trabaho ng MTPB at ipinagbawal sa mga tauhan nito na manghuli.

Bunsod nito, isinakay ni Bautista si Paule sa kanyang sasakyan at dinala sa opisina ng MTPB para makompirma kung miyembro siya ng bureau.

Sa puntong iyong nabisto na dating tauhan ng MTPB si Paule.

“Dati akong miyembro ng MTPB ‘nung panahon ni Mayor Lim pero sa ngayon ay hindi na, nakatayo lang ako dun at hindi ako nanghuhuli,” depensa ni Polo.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *