Saturday , November 23 2024

Esep, esep din ‘pag may time — Palasyo (Payo sa local gov’t)

ITO ang payo ng Palasyo sa mga lokal na pamahalaan kasunod nang Manila truck ban ordinance na ipinatupad ng Maynila na nakaperhuwisyo sa buong bansa, at binawi noong nakalipas na Sabado.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, dapat pag-isipan muna ang magiging epekto ng lokal na ordinansa at makipag-ugnayan muna sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at local government units bago ipatupad ito.

Bagama’t nauunawaan aniya ng Malacanang na kailangang tugunan ng lokal na pamahalaan ang pangangailangan ng kanilang mga mamamayan, dapat ding pag-isipan ang magiging epekto nito sa pambansang saklaw.

“We understand the need for local government to address the concerns in their local government units and that’s a given. You want to address the plight of your local government constituents. It is also good for local government units to also realize that, sometimes, it may have an effect on the national scale. And this is, for instance, a one good experience for us to learn from each other that a greater coordination—perhaps in studying the effects of local ordinances—may have an effect, and so, it would be good for us to coordinate,” ani Lacierda.

Itinanggi ni Lacierda na pinilit ng Palasyo si ousted president, convicted plunderer at Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na bawiin ang truck ban dahil kompara sa ikatwiran ng alkalde na problema sa trapiko sa lungsod, mas matindi ang dulot nitong port congestion na nagkaroon ng masamang epekto sa ekonomiya, at pinasan ng publiko ang nagtaasang presyo ng mga bilihin.

(ROSE NOVENARIO)

PNOY ADMIN SINISI NI OSMEÑA

WALANG ibang dapat sisihin sa port congestion, energy crisis at aberya sa MRT 3 kundi ang administrasyon Aquino.

Ayon kay Senator Serge Osmeña, masyadong mabagal ang pagtugon ng gobyerno sa nasabing mga problema.

Itinuturing ni Osmeña na kriminal ang nasabing problema na kagagawan ng gobyerno.

Aniya, naaapektuhan lahat ng mga negosyo dahil sa nararanasang problema sa bansa lalo na ang tatlong nabanggit ng senador.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *