Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Joey, nabahag ang buntot kay Tito Alfie

091614 mother lily alfie joey reyes

ni Alex Brosas

ISANG malaking duwag pala itong si Direk Joey Reyes.

Ang akala namin ay matapang itong si Direk Joey pero hindi pala. Kung makapagsalita kasi siya ay parang ang tapang-tapang niya pero nababahag din pala ang buntot niya.

Tama ba ang nakarating sa aming chika na nasa first presscon siya ng latest movie niyang nag-flop sa takilya at umiwas na lang kay Tito Alfie Lorenzo na naroon din?

Binastos niya si Tito Alfie nang hindi niya ipinagpaalam na kinuha niya si Juday para sa indie film niya. Nakapag-aral naman itong si Direk Joey, nakapagturo pa sa isang kilalang unibersidad pero bakit ganoon siya? Bakit hindi niya ipinaalam sa manager ni Juday na kinuha niya ang aktres ng libre para sa indie film niya?

Instead of approaching Tito Alfie para mag-sorry ay dali-dali raw na umalis itong si Direk Joey sa venue ng presscon. Kung naging humble lang siya at humingi ng sorry kay Tito Alfie ng personal ay wala ng issue sa kanila.

Si Mother Lily naman ay todo-tanggol kay Direk Joey. Parang nakalimutan na niya na there was one time na binayaran niya ng kalahati ang talent fee ni Juday for three movies dahil ‘yun lang ang kaya niya. Pumayag si Tito Alfie out of pakikisama and now mas pinili pa ni Madera si Direk Joey na isang Johnny come lately lang sa Regal. Mayroon bang talent manager na papayag na kalahati lang ang ibayad na talent fee sa kanyang alaga? Hindi ba’t si Tito Alfie lang ang ganoon?

Sa ‘yo direk Joey na lately ay puro kamalasan ang kinalalabasan ng movie sa takilya, magbago ka na, matuto ka ng humility.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …