PINAHINTULUTAN ng Taguig court na maglagak ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan ang model na si Deniece Cornejo at dalawa pang kapwa akusado sa kasong serious illegal detention kaugnay sa pagbugbog sa TV host/actor na si Vhong Navarro nitong Enero.
Sinabi ni Atty. Connie Aquino, pinayagan ng Taguig Regional Trial Court ang petisyon nina Cornejo, Cedric Lee at Zimmer Raz, na maglagak ng piyansa.
Ayon sa abogado, thankful sila at welcome ang positive development sa kaso.
Sinabi ni Aquino, malaking hakbang ito sa pagsusumikap nilang patunayan na inosente sa kaso ang kanyang mga kliyente.
(JAJA GARCIA)