CUSTOMS Commissioner John Sevilla, kung mayroon pang opsiyal ng customs na pwedeng ihabol at itapon sa CPRO ay walang iba kundi ang isang customs examiner sa Port of Manila Section 8 na si alias Y.
Matagal nang inirereklamo ng mga personero at brokers ang masamang ugali ng nasabing customs examiner. Hindi lang daw matakaw at malakas humingi ng overtime kundi napaka-arogante sa mga transacting public. Kung walang padulas ‘e lalong magtatagal ang papeles nila at hahanapan ng kung ano-anong butas.
Bastos at napakatalas ng dila kung ipahiya ang mga personero na nagpa-follow-up ng kanilang entry (dokumento) kapag sa kanya na-assign.
Minsan na rin isinuka ng mga broker sa dati niyang assignment sa isang warehouse sa BoC-NAIA dahil nga sa attitude problem n’ya.
Madame examiner, ‘wag mong kalimutan na isa kang public servant kaya dapat lang na igalang mo rin ang stakeholders dahil diyan nanggagaling ang ipinapasuweldo sa iyo mula sa buwis na ibinabayad nila!
Kaya naman nananawagan ang mga personero at brokers kay Comm. Sevilla na ipa-monitor ang masamang ginagawa ni Examiner Y sa kanila.
Maluwag pa naman sa CPRO Comm. Sevilla, baka pwede pang ihabol ang malditang examiner doon para matuto ng tamang asal at mabawasan ang pagiging corrupt n’ya!
Serbisyo publiko lang po.
Ricky “Tisoy” Carvajal