ARESTADO ang tatlo katao nang salakayin ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang lying-in clinic sa Las Piñas City makaraan masangkot sa bentahan ng sanggol.
Nahuli sa buy-bust operation ang isang lalaki nang makipagtransaksiyon sa ahente ng NBI na nagpanggap na bibili ng bata.
Ayon kay NBI SI4 Aldrin Mercader, team leader ng Anti-Organize and Transnational Crime Division (AOTCD) nakuha mula sa suspek ang mark money na nagkakahalaga ng P35,000.
Huli rin sa nasabing operasyon ang kanyang asawang midwife, at ang ina ng bata na naabutang ibinebenta ang sanggol sa isa sa mga silid sa klinika.
Itinanggi ng ina ng sanggol ang mga paratang sa kanya, ngunit aminado siyang nais niyang ipaampon ang bata dahil hindi niya na raw kayang buhayin.
Sasampahan ng kasong child trafficking ang tatlong suspek.
hataw News Team