Friday , December 27 2024

Aprub tayo sa mungkahi ni Sen. Sonny Trillanes (Spot promotion pabor sa Pinoy UN peacekeepers)

00 Bulabugin jerry yap jsyBILANG mambabatas mula sa hanay ng mga sundalo, nauunawaan natin ang rekomendasyon ni Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV na gawaran ng spot promotion ang 40 Pinoy UN peacekeepers na nagtaya ng buhay laban sa 100 Syrian rebels sa Golan Heights nitong nakaraang Agosto 31.

Isa tayo sa mga nakahinga nang maluwag nang mabalitaan natin na natakasan ng mga sundalo natin ang Syrian rebels na kumubkob sa kanila matapos ang pitong oras na pagtatanggol sa kanilang kampo (kasama ang ibang UN peacekeepers mula sa ibang bansa).

Ang rekomendasyon ni Senator Trillanes ay idineretso niya kay Armed Forces (AFP) Chief of Staff, Gen. Gregorio Catapang, Jr.

Ipinagtanggol din ni Senator ang 40 sundalo nang ilarawan ni United Nations Disengagement Observer Force (UNDOF) commander Lt. Gen. Iqbal Singh Singha, na karuwagan ang ‘pagtakas’ ng Filipino UN peacekeepers sa Golan Heights.

“Act of cowardice” daw sabi ni Singa ‘este’ Singha, kasi ang gusto niya magsalong ng sandata ang mga Pinoy para hindi raw manganib ang buhay ng Fijian peacekeepers.

Balintuwad palang mag-isip si UNDOF commander Singha. Pitong oras nang nakikipagpalitan ng putok ang mga Pinoy UN peacekeepers sa Syrian rebels dahil sila ‘yung nasa grounds, sasabihin niyang “act of cowardice?”

Lumalabas pa na habang naganganib ang buhay ng mga Pinoy UN peacekeepers, dahil sila ‘yung nasa grounds, ‘yung mga Fijian nagkakanlong sa loob ng kampo, tapos tatawagin ni Singha na duwag ang mga Pinoy?!

SONABAGAN ka ‘singa’ este Singha!!!

Sinuwerte pa ‘yang Syrian rebels dahil kung hindi naubusan ng bala ‘yung Pinoy UN peacekeepers malamang maubos sila.

Anyway, gusto nating sabihin sa ating mga sundalo na tama lang na iligtas ninyo ang mga sarili ninyo dahil mas marami pa kayong magagawa para sa bayan.

Pinasasalamatan din natin si Senator Sonny Trillanes dahil nag-initiate siya na gawaran ng SPOT PROMOTION ang ating mga sundalo.

Hindi gaya ng isang sundalong mambabatas na Sound of Silence Committee ‘ata ang pinamumunuan!?

Alam natin na hindi sapat ang SPOT PROMOTION. Pero sabi nga ng Palasyo marami pa raw silang matatanggap.

Sana nga.

Ang pinakaimportante sumailalim sila sa stress debriefing at war shock recovery.

Sa ating mga sundalo na sa Golan Heights … keep the faith and be strong …

Mabuhay ang Pinoy UN Peacekeepers sa Golan Heights.

Kudos Senator Trillanes!

DoTC SEC. J.E. ABAYA MAGTRABAHO KAYO!

WALA nga pala si Transportation and Communication Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya kasama siya sa European tour (working visit sa Spain, Belgium, France at Germany) ni PNOY mula September 13 hanggang September 20.

Ang samang tiyempo, kung kailan wala si Abaya saka may lumubog na RORO (ferry boat).

Kunsabagay hindi naman ito usapin na ‘yung nandito o wala si Secretary Abaya. Ang pinag-uusapan dito ‘e ‘yung kung ginagawa ba nila ang tungkulin nila o hindi!?

Mantakin ninyong ‘yung M/V Maharlika II na lumubog sa Southern Leyte ‘e dapat pala matagal nang nagpapahinga dahil kalawangin na at bulok pa.

‘Yan po ay ayon mismo sa mga pasahero.

What the fact!?

Ito pa, ang nasa manifesto ng M/V Maharlika ay 58 pasahero lang, hindi kasama ang mga crew sa listahan pero ang nasagip nila ay mahigit sa 100 pasahero.

Ang capacity ng barko ay hanggang 480 pasahero ang sakay ay 100 plus pero ang nasa manifesto ay 58 lang?!

Hindi ba kasama ‘yan sa imino-monitor ng DoTC at ng coast guard?!

Anyare!? Bakit nakalusot?!

Natuklasan din na ang paglubog ng M/V Maharlika ay hindi dahil sa bagyo kung hindi dahil tumirik ‘este’ huminto ang barko sa laot.

Ibig sabihin, may sira ang barko nang bumiyahe. Pero dahil hindi nagtatrabaho ang DoTC, ‘e dumarating pa sa pagkakataon na kailangan maging madalas ang disgrasya sa mga RORO.

Sandamakmak ang kolorum sa land transport, puro aberya ang MRT, tapos sa dagat madalas ang lubog ng mga barko, patuloy na ‘ninanakawan’ ang subscribers ng mga telecom …

‘E ano ba talaga ang SILBI mo sa bayan Secretary Abaya?!

Puro sweldo ka lang mula sa taxpayers money pero wala ka namang OUTPUT.

Saan ba talaga kayo nanghihiram ng mga KAPAL NG MUKHA ninyo?!

Ang titigas ‘e!

PAGBATI KAY CUSTOMS DEPUTY COMMISSIONER ARIEL NEPOMUCENO

BINABATI natin ng makabuluhang kaarawan si Bureau of Customs (BoC) deputy commissioner for enforcement Ariel Nepomuceno sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan nitong nakaraang linggo.

Si DepComm. Nepomuceno ang isa sa mga well-loved at respected na opisyal na humawak ng position na ‘yan sa Customs police.

‘Yan ay dahil sa ipinakikita niyang malasakit at walang palakasan sa mga Customs Police.

Bukod d’yan hangang-hanga sila sa ipinakikita niyang professionalism sa pagtatrabaho.

Although, he came from military service, epektibo niyang naipakikita ang kanyang kaalaman sa bureaucracy.

Ngayon tayo naniniwala na hindi nagkamali si Pangulong NOYNOY sa pag-appoint sa kanya sa BoC.

Kung saka-sakali man na mag-goodbye si Commissioner John Sevilla, si Nepomuceno ang isa sa nakikita natin na karapat-dapat na pumalit sa kanya.

Muli, isang maligaya at makabuluhang kaarawan DepComm. Ariel Nepomuceno!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *