Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trade kay Sean Anthony isinumite na sa PBA

091514 sean anthony

IPINADALA na sa opisina ng PBA ang mga dokumento tungkol sa three-way trade na isinara ng North Luzon Expressway, Meralco at Blackwater Sports.

Sa ilalim ng trade deal, sina Sean Anthony at Simon Atkins ay unang itinapon ng Road Warriors sa Elite kapalit nina rookie Juneric Baloria at tig-isang second round draft pick sa 2016 at 2017.

Pagkatapos ay ite-trade ng Blackwater sina Anthony at Atkins sa Bolts kapalit naman nina Sunday Salvacion at Jason Ballesteros.

Naunang sinabi ng consultant ng NLEX na si Allan Gregorio na matagal na nilang planong i-trade si Anthony at naghanap lang ito ng tamang conduit para matuloy ito.

Sa panig ng Blackwater, tutulong sina Salvacion at Ballesteros dahil umayaw si Danny Ildefonso sa dalawang taong kontratang inalok ng Elite dahil sa tingin niya ay sobrang baba ng suweldong matatanggap niya rito.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …