ni Alex Brosas
ANG daming napahanga sa ipinakitang kabaitan ni Sarah Geronimo sa kanyang fan.Super praise ang fan ni Sarah sa dalaga dahil wala itong kaere-ere nang mag-request siya ng photo with her habang nasa comfort room sila. Nabunggo pa nga si Sarah when one girl came out of the cubicle pero balewala iyon sa dalaga. Outside the CR ay game na nag-pose si Sarah sa fan niya.
Ang daming pumuri sa kabaitan ni Sarah. Actually, sa showbiz naman talaga ay siya ang EPITOME of KINDNESS.
Walang mean bone sa dalaga.
“Kahit nga talent lang at mabuting puso, tatagal na sa showbiz eh, what more pa kung maganda, talented, at mabuting puso. Kudos to her for being like that. Ibig sabihin lang din, maayos s’ya pinalaki ng magulang nya.”
“I saw Sarah sa LAX, ang daming nagpa-picture. Lahat pinagbigyan niya. Nagpapicture rin hubby ko kay Sarah, at nag-thank you pa si Sarah sa amin. From then on, I really liked her.”
“This is a good sign. Mga feeling stars jan, peg nyo dapat si Sarah G. Malay natin baka ‘yung mga ibang starlets na feeling star at ‘yung mga star naman talaga na feeling reyna at marunong lang bumati ‘pag may camera from the media na nakatutok eh magbago ng ugali sa fans…..at ‘di kasi nga, para ma share rin sa netizens ang good experience ng kanilang fans.”