Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Reresbak ang Mapua sa 91st season

00 SPORTS SHOCKED

KAHIT na muling nabigo ang Mapua Cardinals na makarating sa Final Four ng 90th National Collegiate Athletic Association (NCAA) ay may dahilan pa rin ang mga estudyante, manlalaro at supporters ng Cardinals na magbunyi at maging optimistiko  para sa kanilang koponan.

Una’y nahigitan na ng Cardinals ang bilang ng mga panalong naitala nila noong nakaraang taon.

Naitala ng Cardinals ang kanilang ikaapat na panalo sa 14 games sa kasalukuyang season nang tambakan nila ang Perpetual Help Altas, 91-81 noong Miyerkoles.

Hindi basta-basta kalaban ang Altas dahil sa contender  ito para sa Final Four.

Baka nga pagsisihan ng Altas ang pagkatalo nila sa Cardinals kung sakaling hindi sila makarating sa Final Four sa pagtatapos ng elimination round.

Ikalawa’y nagkaroon na ng winning streak ang Cardinals. Para sa ikatlong sunod nilang panalo ang tagumpay kontra Perpetual Help.

Nagsimula ang streak nang makaulit sila kontra sa San Sebastian Stags, 75-73 noong Agosto 29.

Kung inaakala ng ilan na ang San Sebastian lang ang puwedeng biktimahin ng Mapua, aba’y nagkamali sila.

Kasi nanalo din ang Cardinals kontra sa Lyceum Pirates, 76-65 boong Setyembre 5. At nagwagi nga sila kontra sa Altas.

May apat na games pa ang natitira sa Cardinals at kahit na ipanalo nila ang mga iyon ay hindi na sila aabot sa Final Four,

Ang maganda lang diyan ay siguradong tatapusin nila ang kanilang kampanya sa 90th season nang nakangiti at mataas ang morale.

At pagpasok sa 91st season, aba’y tiyak na palaban na sila nang husto lalo’t makapaglalaro na ang isang 6-8 Nigerian player na nakakumpleto na ng residence sa eskuwelahan.

Magwawakas ang three-year contract ni coach Atoy Co nang maaliwalas dahil baka umabot na sila sa Final Four. At kapag nagkaganoon, tiyak na mae-extend ang kanyang kontrata!

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

ASEAN PARA Games

Team Pilipinas Kumapit sa Ikatlong Puwesto sa ASEAN Para Games
Matapos ang Sunod-sunod na Ginto at Bagong Rekord

Medal Standings (As of 22 Jan) Gold Silver Bronze Total1     Thailand     37    29    31    972     Indonesia   22    25    15    623     Philippines  11     7     8    264     Malaysia     9    13    18    405     Vietnam      …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …