Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rainier, nagsisi nang umalis sa GMA 7?

091514 Rainier Castillo

ni John Fontanilla

MARAMI raw ang na-realize ni Rainier Castillo nang umalis siya sa bakuran ng GMA 7 at lumapit sa TV5. Pero wala naman daw pagsisisi sa kanyang ginawa, dahil kagustuhan naman daw niya ito pero ngayon ay happy siya dahil isa na naman siyang Kapuso.

“Masaya ako kasi balik-GMA na ako, nakipag-meeting na ako wala pang pirmahan pero ayos na ang lahat, kaya Kapuso na ako ulit.

“Pero sa ngayon pa-guest-guest pa lang ako sa mga show ng GMA, wala pang napag-uusapang teleserye o ibang proyektong gagawin ko.

“Pero happy na ako kasi nakabalik na ako kung saan ako nagsimula, naging artista at nakilala.

“Ito naman kasi talaga ang bahay, ‘pag nandito ako iba ‘yung pakiramdam, mas mas masaya.

“Kaya naman itong pagbabalik ko until the end na,wala ng lipatan.

“Kahit kasi pilitin ka, hindi ka naman mapipilit kung ayaw mo, siguro maeengganyo ka lang, depende kung ano ‘yung offer sa ‘yo, pero sa huli ikaw pa rin ang magdedesisiyon.

“Siguro sa paglipat ko may mga na realize lang ako na dapat ‘pag nagdedesisyon pag-isipan munang mabuti bago gawin.

“At saka dapat mas nag-focus pa ako sa ginagawa ko para maging maganda ‘yung outcome, ‘yung mga ganoon.

“Although ginawa ko naman at nag-focus ako sa trabaho, pero dapat more pa.

”Ni minsan kasi hindi ako namili ng makakasama, kung sino ang ibigay nila sa akin okey lang sa akin kasi sila naman ang nakaaalam ng maganda sa akin.”

Sinabi pa ni Rainier na marami siyang na-miss sa GMA nang umalis siya.

“Marami akong namiss nang umalis ako sa GMA, pero ang pinaka-namiss ko ‘yung mga nakatrabaho ko rito, ‘yung mga naging kaibigan ko.

“Sa kabila may mga naging friends ako pero mas marami rito (GMA 7).

“Kaya sa pagbabalik ko rito magkakasama-sama na naman kami palagi ng mga kaibigan ko,” sambit pa ni Rainier.

MULA SA OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY AT LORENZO RUIZ DE MANILA SCHOOL ANG KAUNA-UNAHANG UNISILVERTIME CAMPUS AMBASSADORS OF THE PHILIPPINES 2014!

MABITUIN at engrande ang katatapos na 1st  UniSilver Time Campus Ambassadors of the Philippines 2014 na ginanap sa SM Manila na hatid ng Unisilvertime at RDH Entertainment Network at sa pakikipagtulungan ng Royqueen Gadgets, Kokuryo Cosmetics, RHTV, Sundance , Cali Burger , Unisilver Jewelry,STI Recto, Savory, Biguerlai Tea, Emar Suites, Save our Skin, Canadian Tourism and Hospitality Institute, at Nica Studio.

Winner bilang 1st Male Ambassador ng Unisilvertime si  Charlie Rick Sheen Florez (Our Lady of Fatima University) at runner-ups naman sina  Lordyan Cheung  (Philippine Colge of Criminology),  2nd Runner Up, at Jerome Olidana(Colegio De San Juan De Letran), 1st  Runner Up.

Habang wagi naman sa Female category si Bianca Mae Hernandez  (Lorenzo Ruiz De Manila School)  at  2nd runner up si Darla Roces  (Southwestern Luzon Maritime Institute Foundation ), at 1st runner up naman si  Princes Castaneda (Our Lady of Fatima University).

Dumalo naman ang mga big boss ng UnisilverTime na sina Mr. King Go withMichele Go at William Ong. Habang nagbigay naman ng saya at aliw ang mga celebrity endorser na sina Juan Direction, Martin Escudero na isa sa naging hurado, Joshua Dionisio, Derrick Monasterio, Ken Chan, at UPGRADE.

Nagsilbing hurado rin ang TV5 Princess na si Ritz Azul, Mam Michele Go, Henry Edward ng Juan Direction, at Susan Trinidad, Talent Head of TV5.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …