Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manlalaro ng UAAP sasabak sa D League

091514 PBA D League UAAP

ILANG mga manlalaro ng UAAP ang  inaasahang maglalaro sa darating na Aspirants Cup ng PBA D League na lalarga na sa Oktubre 27.

Limang mga taga-De La Salle University sa pangunguna ni Arnold Van Opstal ang  nagpalista na sa Rookie Draft ng D League na gagawin sa Lunes, Setyembre 15, simula ala-una ng hapon sa opisina ng PBA sa Libis, Quezon City.

Ang iba pang mga draftees ng La Salle ay sina Yutien Andrada, Almond Vosotros, Luigi Dela Paz at Jarelan Tampus.

Kasama rin sa listahan ng mga draftees sina Roi Sumang ng UE, Chris Newsome, Von Pessumal at Nico Elorde ng Ateneo, JR Gallarza at Kyles Lao ng UP, Achie Inigo ng FEU, Rey Nambatac ng Letran at ang Fil-Tongan na si Moala Tautuaa.

Ang 6-7 na si Tautuaa ay isang Fil-Tongan at nagpakuha na siya ng mga dokumento mula sa Department of Justice at Bureau of Immigration bilang patunay ng kanyang pagiging Fil-foreigner.

“We are very happy with the interest generated by our Rookie Draft. The list indicates that we have a rich pool of talent to select from. After going through the list, I am convinced that we will have a very competitive 2015 season,” wika ni PBA Commissioner Chito Salud.

Labing-dalawang koponan ang sasali sa Aspirants Cup ng D League na magsisimula sa Oktubre 27 sa pangunguna ng Cagayan Valley, Tanduay (dating Boracay Rum), Cebuana Lhuillier, Hapee Toothpaste, Cafe France, Jumbo Plastic, Wang’s Basketball, AMA Computer University, M Builders, MP Hotel, Bread Story at Racal Motorsales.

Ang Racal Motorsales ay bubuuin ng mga manlalaro ng St. Clare College ng NAASCU samantalang  ang Hapee ay papalit sa North Luzon Expressway na umakyat na sa PBA kasama ang Blackwater Sports. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …