Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Malolos COP sinibak (2 tauhan sabit sa KFR)

SINIBAK sa pwesto ang hepe ng Malolos City Police sa lalawigan ng Bulacan makaraan masangkot sa kidnapping ng isang Chinese national sa Caloocan City ang dalawa niyang tauhan.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Bulacan Police director, Senior Supt. Ferdinand Divina, sinibak si Supt. Donato Bait at itinalaga si Supt. Arwin Tadeo bilang acting Malolos City police chief.

Ang pagkakasibak kay Bait ay bunsod ng pagkakadawit ng dalawa niyang tauhan na sina PO1 Danito Sytamco at PO3 Xerxes Martin sa pagdukot sa negosyanteng si Lin Hanzhang noong Setyembre 9.

Si Lin ay nakatakas sa mga dumukot sa kanya at itinuro rin ang isang pulis-Guiguinto na si PO1 Arnel Aguilar bilang kasama ng dalawang suspek makaraan matukoy ng biktima ang licence plate ng sasakyan.

Binigyan ni Divina ng 24 oras ang hepe ng Guiguinto Police na si Supt. Ernesto Cruz para isuko si Aguilar at maipakulong sa kasong kinasasangkutan.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …