Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Makati residents binalaan vs LPG gang

PINAG-IINGAT ng Makati City Police ang mga residente sa lungsod sa bagong modus operandi ng nagpapanggap na mga ahente ng Liquified Petroleum Gas (LPG) tanks

Base sa ulat ng pulisya, nagpupunbta sa mga bahay-bahay ang mga pekeng nagpapakilalang ahente ng gasul .

Sinasabi ng mga suspek na iinspeksiyonin nila ang tangke kung may leak upang makapasok sa bahay ng bibiktimahin.

Pagkaraan ay sasabihin na may leak ang tangke para mailabas at kapag nalingat ang may-ari ay agad isasakay sa motorsiklo at tatakas ang mga salarin.

Nagbabala rin ang Makati police sa modus operandi ng ilang grupo na naghihingi ng tulong pinansiyal para sa sinasabing local basketball tournament ngunit ang pakay ay magnakaw.

May dalang solicitation letter ang mga suspek at hihingi ng pera sa bahay-bahay para sa liga ng basketball at kakausapin at lilibangin ang kausap habang ang isang kasama ay papasukin ang bahay para magnakaw. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …