ANO ba itong tsismis na tila nagluwag na si Secretary Cesar Purisima sa mga itinapon ng mga Customs collector sa Customs Policy Research Office (CPRO) sa Finance department sa Roxas Boulevard ,Pasay City may isang taon na halos.
Ang balita na umabot sa ating kaalaman ang unang batch na binigyan daw ng marching order para bumalik sa kanilang mother unit ay siyam na mga collector.
Sila yata iyong hindi sumama sa pagsampa ng petition sa trial court upang iprotesta ang kanilang pagkakatapon sa CPRO. Wala naman daw silang ginagawa at all. Pero very strict ang pagpapatupad ng pagpasok nila sa CPRO, 8:00 am to 5 pm.
Pero ang mga kolektor na narito, very religious din sila kahit minsan gusto silang intrigahin ng isang functionary ng finance department na nagsumbong na 2 sa kanila ay pirmi ang bulakbol.
Ang balita natin bago matapos ang September, ibabalik sa pamamagitan ng Customs Personnel Order (CPO) sa kanilang mother unit ang unang batch na siyam na kolektor. Sa susunod na buwan ng Oktubre isusunod naman ang second batch.
Ang napabalitang napipintong liberation ng mga nasa CPRO ay nabunyag pagkatapos na lumiham ang mga opisyales ng 0ffice of the Solicitor General (OSG) kay Secretary Cesar Purisima at Commissioner JohnSevilla kamakailan. Sinabihan sila na ang transfer ng mga nasabing collector at island, pang director ay hindi “indefinite.” Ito ay may maximum period lang na one year alinsunod sa batas na itinatakda ng Civil Service Commission, isang constitutional body na hindi s’yempre saklaw ng power ng Executive.
Base doon sa CPO na inisyu ni Commissioner Sevilla, mag-e-expire na sa September 17 this year at kailangan nang ipatupad ni Sevilla ang CSC law. Kaya naman marahil inisyu raw ang nasabing CPO sa unang batch ni Sevilla. Ang itinapon sa CPRO pawang mga career officers na may security of tenure. Samantala ipinalit sa kanila pansamntala ang non-career officials kaya naman ang category nila contractual employees na ang designation from Purisima ay program manager.
Kung totoo ito, isang moral victory para sa mga dinala sa CPRO.
Arnold Atadero